Thailand, maglulunsad ng bagong farming model sa Dec. 5

MAGLULUNSAD ng bagong farming model ang Thailand sa Disyembre 5.
Inihayag ni Interior Permanent Secretary Suttipong na ang modelong ito ay sinubukan sa Ban Phran Bun, sa Ubon Rachatchani Muang District.
Ayon kay Suttipong, ilulunsad ang proyektong ito kasabay ng kaarawan ng dating hari ng bansa na si King Bhumibol Adulyadej.
Ang Khok Nong na model ay isang agricultural concept na base sa New Theory of Agriculture at Sufficiency Economy Philosophy.
Sa ilalim ng model na ito, ang lupa ay nahahati sa apat na parte at ang bawat isa nito ay may kanya-kanyang gamit.
Dagdag pa ni Suttipong, ang model na ito ay base sa indigenous practice at nakakatulong na makaiwas sa soil degradation mula sa paulit-ulit na pagtatanim.
Comments
Post a Comment