Canada, proud pa rin matapos magtapos ang World Cup adventure nito

IPINAGMAMALAKI pa rin ni Canada coach John Herdman ang team nito sa kabila ng pagtatapos ng World Cup adventure nito matapos itong matalo ng Morocco at sa ikatlong sunod na pagkakataon.

Nagbalik ang Canada sa World Cup sa unang pagkakataon simula 1986 finals sa Mexico matapos nitong i-domina ang CONCACAF region qualifiers.

Ngunit hindi nito nagawang sundan ang winning form nito sa Group F kung saan tinalo ito ng Belgium at Croatia bago tuluyan itong pauwiin ng Morocco.

Sa kabila nito ay ipinagmamalaki pa rin ni Coach Herdman ang kanyang team at sinabing matagal na simula nang nakapaglaro sila sa World Cup at bagaman nais sana nilang patagalin pa ang kanilang adventure ay nag-enjoy naman sila sa kanilang karanasan.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon