Proposed Virology and Vaccine Institute of the PH, lusot na sa Kamara

LUSOT na sa pinal na pagbasa Kamara ang House Bill 6452 o ang proposed Virology and Vaccine Institute of the Philippines (VVIP).
216 na mga kongresista ang bumoto pabor sa panukala na layong magtayo ng sariling government arm para pag-aralan ang lahat ng potential disease-causing agents na makakaapekto sa tao.
Layon ng panukala na gamitin ang Virology and Vaccine Institute of the Philippines na pag-aralan ang lahat ng pathogens gamit ang makabagong approach tulad ng molecular biology at bioinformatics.
Nais din ng itatayong VVIP na mag-develop ng mga bakuna at therapeutics laban sa papausbong na mga virus at pathogen.
At ang pagbubukas ng virology laboratory, virus gene bank at virus genome laboratory na tututok sa paghahanda sa disease prevention at epidemiological studies.
Ang panukala ay inihain bilang aral ng pamahalaan sa pananalasa ng COVID-19 na nakaapekto ng malaki sa health capacity ng bansa dahil sa kawalan ng sariling tanggapan laban dito.
Comments
Post a Comment