Sen. Imee Marcos muling nagtungo sa Pangasinan; 2 bayan nakatanggap ng tig P3-M ayuda

MULING binalikan ng Presidential sister at Senadora Imee Marcos ang probinsya ng Pangasinan upang mamahagi ng tulong pinansyal sa mga nangangailangan.

Una itong nagtungo sa bayan ng Manaoag Pangasinan at masayang ibinalita na mayroong 3 milyong pisong halaga ng financial assistance na ipamamahagi sa isang-libong residente sa nasabing bayan sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Matapos ito ay agad na nagtungo ang senadora sa bayan ng San Fabian Pangasinan at dito panibagong isang-libong residente naman sa bayan ng San Fabian ang nabiyayaan ng ayuda sa ilalim ng kaparehong programa ng DSWD.

Ang mga benepisyaryo ng nabanggit na tulong pinansyal ay mga solo parents, persons with disabilities and special needs, senior citizens, at mga indigent mula sa nasabing bayan.

Nagpapasalamat naman sina San Fabian Mayor Marlyn Agbayani at Vice Mayor Constante B. Agbayani sa naging pagbisita ni Senator Imee sa kanilang lugar.

Matatandaan na bago pa man ito ay napuntahan na ni Sen. Imee ang ilang bayan at siyudad sa Pangasinan kasabay ng kanyang kaarawan nitong nakaraang buwan kung saan namahagi rin ito ng tulong pinansyal sa San Carlos City, Bayambang, Alaminos City, Binalonan at Dagupan City.

Malaki naman ang pasasalamat ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez na sa unang pagkakataon ay nabigyan ng importansya mula sa national government ang mga solo parents dito sa lungsod.

 “Alam niyo natutuwa ako kasi for the first time nabigyan ng importansya ang solo parents, isang libo po ang binigyan niya ng tulong na solo parent, palagay ko hindi yan hihinto dahil priority din ni Senadora Imee ang tumulong,”  Mayor Belen Fernandez.

Samantala, inihayag at ipinangako naman ng pambansang ate na kanyang ipagpapatuloy ang mga programa ng kanyang yumaong ama at dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon