Posts

Showing posts from December, 2022

NUP, suportado si DOJ Sec. Boying Remulla

Image
SUPORTADO ng National Unity Party (NUP) si Justice Sec. Boying Remulla sa gitna ng hamon na kinakaharap nito ngayon. Nasa Switzerland ngayon ang opisyal para katawanin ang Pilipinas sa United Nations Human Rights Council nang mahuli kamakailan ang panganay nitong anak na si Juanito Jose Diaz Remulla III dahil sa iligal na droga. Ayon sa NUP, kilala nila si Remulla bilang maprinsipyong opisyal na uunahin parati ang interes ng bansa. Patuloy namang ibubuhos ng partido kay Remulla vice-chairman ng partido ngayon na nasa matinding hamon ang opisyal. “As a principled man, we know that Secretary Remulla will always uphold the rule of law,” saad ng partido. Pirmado naman nina NUP Chairman Ronald Puno at Party President at Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund ‘LRay” Villafuerte ang pahayag ng NUP. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Pag-aaral sa ‘social costs’ ng online gambling, ipinanawagan

Image
NANANAWAGAN si Manila 6th District Rep. Benny Abante Jr. sa pamahalaan na pag-aralan ang ‘social cost’ ng online gambling sa bansa. Panawagan niya ito dahil sa isyu ng crime-related incidents na nag-uugnay sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) . Giit ni Abante, hindi lamang sa POGO kundi ang kabuuang social cost ng lahat ng porma ng online na sugal ang dapat pag-aralan. Sang-ayon naman si Abante sa pahayag ng Department of Finance na mahirap sukatin ang social value na naidulot ng POGO industry sa mga Pilipino. “I surmise that the same could hold true for the local online gambling industry. But if we insist on weighing the social costs of particular industries against the revenues they earn, then let’s make an earnest effort to study the effects of online gambling on our citizens,” diin ng kongresista. Ngunit kailangan aniya itong sukatin at pag-aralan para malaman ng taumbayan ang epekto ng online gambling sa mga Pilipino. “The more gambling becomes accessible, the...

Heart Evangelista, pinag-aaralang maging ‘independent’ sa kanyang buhay sa Paris

Image
IBINAHAGI ng aktres at fashion icon na si Heart Evangelista ang sulyap ng kanyang buhay sa Paris kung saan sinabi nitong pinag-aaralan niyang maging independent sa pamamagitan ng paglalakad mag-isa sa ‘City of Love’ sa kabila ng kanyang nararanasang anxiety. Ayon kay Heart, para sa mga nakakakilala sa kanya, nakararanas ito ng anxiety kapag nag-iisa lamang siya ngunit aniya, minsan ay kailangan niyang matuto kung paano mag-isa at maging independent. Kasalukuyang nasa extended stay si Heart sa Paris para sa engagement nito sa iba’t ibang luxury brands. Nilinaw naman ni Heart na hindi ito titira sa Paris at ang kanyang pagdalaw sa pet store ay paraan lamang niya upang mapalibutan ang kanyang sarili ng mga pets na nakakapag-paalis ng kanyang anxiety. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

CSC, inilabas na ang iskedyul ng 2023 Civil Service Exam

Image
INILABAS ng Civil Service Commission (CSC) ang iskedyul para sa inaasahang Civil Service Exam sa 2023. Ayon sa CSC, uunahin sa Pebrero 5, 2023 ang Career Service Examination para sa Foreign Service Officer. Habang ang Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) ay gaganapin sa March 26 at August 13. Magkakaroon naman ng Special Application Period para sa mga unrefunded examinees mula sa nakanselang March 2020 CSE-PPT sa December 14-21, 2022. Habang ang application period naman para sa August CSE-PPT, ay magsisimula sa Mayo 2023. Bukod dito, nakatakda ring mag-administer ng Basic Competency on Local Treasury Examination ang ahensya sa June 11, 2023. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Higit 800,000 doses ng COVID-19 vaccines, dumating na sa bansa

Image
DUMATING na sa bansa ang nasa kabuuang 864,000 pedia doses  Pfizer vaccine sa bansa. Ang mga naturang bakuna ay lulan ng Air Hong Kong (DHL) Flight LD 456 na lumapag sa NAIA Terminal-3 alas nuebe kagabi. Ang mahigit 800,000 na bakunang dumating ay ang unang batch para sa kabuuang 2 milyong doses na donasyon ng Australian government. Ang 2nd batch at 3rd batch ay inaasahan na darating sa NAIA ngayong Huwebes at Biyernes. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

‘Faulty’ rollout sa National ID, paiimbestigahan sa Kamara

Image
PAIIMBESTIGAHAN sa Kamara ang isyu ng mabagal na rollout ng National ID. Batay sa House Resolution 471 ni BH Party-list Rep. Bernadette Herrera, dapat mapanagot ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), National Economic and Development Authority (NEDA) at Philippine Statistics Authority (PSA) sa kanilang pagkukulang kung bakit hanggang ngayon ay marami pa rin ang walang national ID. Giit ng kongresista, dapat may accountability ang mga nabanggit na tanggapan dahil sa mabagal na rollout ng programa. “An accountability mechanism must be established to allow a closer look into what went wrong, or what may still be improved, in the implementation of the national ID system,” ani Herrera. Mandato ng BSP na mag-produce ng 116-Million pre-personalized IDs mula 2021-2023 ngunit ayon sa Commission on Audit, mahigit P27-Million lamang ang nagawa ng Central Bank. Bukod sa mabagal na rollout, paiimbestigahan din ang umano’y inaccuracy ng personal information, malabong ID picture at ang mga ...

Jinggoy, nabahala sa resulta ng pinakabagong survey sa problema ng fake news sa bansa

Image
NAGPAHIWATIG ng pagkabahala si Senador Jinggoy Estrada sa resulta ng pinakabagong survey ng Pulse Asia na nagpapakita kung gaano kalala ang problema sa mga naglipanang fake news sa bansa. “Ang maling impormasyon at disinformation ay hindi dapat isantabi. Ang mga nasa likod nito ay dapat managot sa kanilang mga ginagawa. Hindi tama na hayaan nating lumaganap ang mga iresponsableng balita at impormasyon dahil ito ay magdudulot ng maling desisyon at opinion sa ating mga kababayan,” pahayag ni Senador Estrada. Isinusulong ni Estrada ang Senate Bill No. 1296 na naglalayong gawing krimen ang pagpapakalat ng fake news sa bansa. “Nakakaapekto ang masasamang desisyon sa interes ng publiko, kaligtasan, kaayusan at buhay ng mga tao. Ang mga ganitong desisyon na base sa mga maling impormasyon ay may kaakibat na halaga at hindi kinakailangang pag-aaksaya ng human, natural, financial, and time resources. Hindi natin dapat hayaan ito sa panahon na may kinakaharap na krisis ang ating bayan,” ...

Dredging operations sa Marikina River, itutuloy-tuloy ng LGU

Image
IGINIIT ng Marikina City government na hindi hihinto at magtutuloy-tuloy ang kanilang dredging operations. Ayon sa Marikina PIO, hindi mahihinto ang inisyatibo ni Mayor Marcy Teodoro na palakihin ang water carrying capacity ng ilog. Lalo na’t naging daan ang dredging upang lumaki at lumawak ang ilog at bumilis ang daloy ng tubig na naging mitigasyon sa pagbaha sa mga komunidad. Sa pagtama kamakailan ng Bagyong Karding, malaki ang epekto ng dredging dahil hindi agad binaha ang Marikina. Naunang sinimulan ang massive dredging operations sa ilog ng Marikina noong binuo ang Task Force Build-Back-Better ng Duterte administration na nakatuon sa river system ng siyudad mula sa uplands ng Rizal pababa ng Pasig. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

10-K Police personnel, i-dedeploy sa mga sementeryo sa NCR sa araw ng Undas –NCRPO

Image
KINUMPIRMA ni National Capital Region Police Office (NCRPO) spokesperson PLt. Col. Dexter Versola na magdedeploy sila ng sampung libong police personnel sa mga sementeryo sa buong Metro Manila sa araw ng Undas. Dagdag ni Versola kasama sa nasabing bilang ang mga bagong graduates at police multiplier na aalalay para mamonitor ang kapayapaan sa paggunita ng Undas. Ang pahayag ni Versola ay kasunod sa iniharap nitong apat na karagdagang police mobile outpost sa Paranaque City. Nasa pitong rolling or mobile outpost naman na proyekto ni NCRPO Chief PBGen Jonnel Estomo ang ilalatag sa mga sementeryo upang magamit ng kapulisan na nakatalaga sa mahigit 100 sementeryo sa buong NCR. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Sen. Cynthia Villar, kinilala ang kahalagahan ng wetlands at migratory birds

Image
PINANGUNAHAN ni Senator Cynthia Villar ang pagbubukas ng Wetland Center Building sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park (LPPWP) kasabay ng pagdiriwang ng World Migratory Bird Day. “My purpose in building this Wetland Center is to educate and to help raise the public consciousness about wetlands,” ayon kay Villar, chairperson ng Senate Committee on Environment and Natural Resources. Binigyan-diin niya na mahalagang ecosystems ang wetlands (katubigan) dahil sa kontribusyon nito sa biodiversity, climate mitigation at adaptation, freshwater availability at sa economies. Ang Wetland Center, ani Villar, ang kanilang solidong gusali at kontribusyon sa Philippine wetlands. Sanhi ng ‘archipelagic nature’ ng bansa, sinabi ni Villar na marami tayong wetlands na kailangang bigyan ng atensiyon. Base sa 2016 Atlas of Philippine Inland Wetlands and Classified Caves, may 314 inland wetlands at 2,487 river systems ang Pilipinas. Sa 314 wetlands, may 221 lakes, 12 marshes at swamps, 9 peat lands...

Higit 20-M National IDs, naimprinta na –PSA

Image
PUMALO na sa 21.6 milyon ang naimprintang national identification (IDs) cards. Sa nasabing bilang, sinabi ni Philippine Statistics Authority (PSA) OIC Deputy National Statistician Fred Sollesta na 16.7 milyon na dito ang naideliver sa mga Pilipino. Ayon kay Sollesta, malapit nang mag-isyu ang PSA ng digital copies sa printed pdf form upang magamit ng mamamayan sa kanilang kredensyal. Posible aniyang ilunsad ang downloadable mobile version ng national ID sa katapusan ng taon o unang quarter ng 2023. Tiniyak naman ni Sollesta na ang printed o downloaded national IDs ay ituturing na valid at idinisenyo upang maging kasing secure ng physical cards. Sa ngayon, nasa 73.8 milyong Pilipino na ang nakakumpleto ng step registration o biometric details collection. Sinabi ni Sollesta na target ng PSA na makapagrelease ng 50 milyong national IDs bago matapos ang 2022 at makapagdistribute ng 92 milyong ID credentials sa kalagitnaan ng 2023. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Sapat na mental health services sa mga paaralan, iginiit ni Sen. Gatchalian

Image
SA gitna ng pagdiriwang ng World Mental Health Day, muling iginiit ni Senador Win Gatchalian ang kanyang panukalang tiyakin ang pagkakaroon ng sapat na mental health services sa mga pribado at pampublikong paaralan sa bansa. Dahil sa pinsalang idinulot ng pandemyang COVID-19 at ang kawalan ng face-to-face classes, binigyang-diin ni Gatchalian ang pangangailangan ng psychosocial support sa mga guro at mag-aaral bilang bahagi ng pagbangon ng sektor ng edukasyon. Layunin ng Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act (Senate Bill No. 379), na inihain ni Gatchalian, na gawing institutionalized ang mental health services, emotional, developmental at preventive programs, at iba pang support services sa mga paaralan. Sa ilalim ng naturang panukala, magiging mandato sa Department of Education (DepEd) ang pagtatatag at pagpapatakbo ng Mental Health and Well-Being Center sa bawat pampublikong paaralan. Ang mga center na ito ay inaasahang tutugon sa pangangailangang mental, e...

PUV drivers na labis ang paniningil ng pamasahe, kinundena ng LTFRB

Image
MARIING kinundena ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang labis na paniningil ng mga public utility vehicle (PUV) drivers sa kanilang mga pasahero. Kasunod ito sa karanasan ng isang Korean artists na sumakay ng taxi pagdating ng bansa noong nakaraang buwan. Siningil ito ng mahigit P1,000 ng isang taxi driver na tinatayang tatlong beses na mas mataas sa dapat na singil sa kaniya sa taxi. Kaugnay nito, sinabi ng LTFRB na hindi katanggap-tanggap ang panloloko ng PUV drivers sa mga pasahero lokal man o dayuhan kagaya ng labis na paniningil. Pinaalalahanan ng LTFRB sa mga PUV driver at operator na sumunod sa mga alituntunin at polisiya ng ahensiya upang mapabuti ang pagseserbisyo sa publiko. Ang sinumang mahuhuling lalabag sa mga ito ay papatawan ng karampatang parusang nakapaloob sa Joint Administrative Order 2014. Tulad ng pagbabayad ng multa at pagkansela ng kanilang Certificate of Public Convenience (CPC). Hinikayat naman ng ahensiya ang publiko na i...

Prime minister ng Solomon Islands, bumisita sa Australia upang bawasan ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa

Image
BUMISITA ang prime minister ng Solomon Islands sa Australia upang bawasan ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa. Nakipagkita si Solomon Islands Prime Minister Manasseh Sogavare kay Prime Minister Anthony Albanese matapos pumirma ng isang makasaysayang kasunduan kasama ang Estados Unidos. Mayroon nang lamat ang ugnayan sa pagitan ng Australia at Solomon Islands matapos pumirma ang Pacific Nation ng security deal kasama ang China noong Abril. Naglabas ng kanilang pangamba ang Australia at mga kaalyado nitong bansa ukol sa security deal kasama ang Solomon Islands at Beijing dahil posibleng ito ang magpatibay sa impluwensya ng China sa Indo Pacific Region. Matatandaan na ang Estados Unidos at Australia ang unang nag-domina sa Pacific bago pa pumasok ang China at gumawa ng kasunduan rito. Samantala, una nang inihayag ni Albanese ang importansya ng bilateral na ugnayan kasama ang Solomon Islands at ang role nito sa pagtulong na masiguro ang stabilidad sa rehiyon. Ang kasunduan sa ...

Japan, pagmumultahin ang mga ospital na hindi tutuparin ang ipinangakong COVID-19 beds

Image
PAGMUMULTAHIN ng Japan ang mga ospital na hindi tutuparin ang ipinangakong COVID-19 beds para sa mga naitalang positibo sa sakit. Inaprubahan ng Gabinete ng Japan ngayong araw ang isang panukalang batas na magpaparusa sa mga ospital na hindi sumunod sa mga kasunduan sa mga lokal na pamahalaan na maghanda ng mga higaan para sa mga pasyenteng may COVID-19 at iba pang mga nakakahawang sakit. Nananawagan din ang panukalang batas para sa pagtatakda ng mga parusa para sa mga taong pumapasok sa Japan na may mga pinaghihinalaang impeksyon na nabigong mag-ulat ng kanilang mga kondisyon sa kalusugan habang sumasailalim sa quarantine. Bilang karagdagan, ang estado ay papayagang humiling o mag-utos sa mga operator ng negosyo na gumawa o mag-import ng mga bakuna at mga medikal na suplay tulad ng mga face mask at karayom. Ang panukalang batas ay bahagi ng mga pagsisikap na bigyang-daan ang sentral at lokal na pamahalaan sa mas mabilis na pagtugon sa mga pangunahing paglaganap ng nakakahawang s...

Pastor ACQ, kinuwestiyon ang pag-usisa ni Sen. Koko Pimentel sa budget ng NTF-ELCAC

Image
KINUWESTIYON ni SMNI Honorary Chairman, Pastor Apollo C. Quiboloy ang naging pag-usisa ni Senador Koko Pimentel sa budget ng National Task Force to End Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Ayon kay Pimentel, bakit hindi na lang ibigay sa ibang ahensiya ng pamahalaan ang nasabing pondo tulad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) o sa Department of Labor and Employment (DOLE). “Tingnan ni Senator Koko Pimentel sa panahon ni Pangulong Duterte kung ano ang resulta ng NTF ELCAC. Maganda ba o hindi? Gustung-gusto ba ng mga tao o hindi? Dumiretso ba agad agad sa Barangay Development Project o hindi? Kasi kung susundin ang sinabi mo, Senator Koko Pimentel, ito padadaan dito, dadaan doon DPWH, blah, blah, blah…ang troso ay magiging toothpick, for your information. Oh, pero ito bakit ginawang ganito, ay hindi ako nagtuturo sa iyo, dapat senador ka, dapat alam mo iyan,” pahayag ni Pastor Apollo. Nilinaw ng butihing Pastor na kung may naging isyu man ng corruption ang NTF-ELCA...

Pagtupad sa target programs para sa agricultural sector, tiniyak ni Pangulong Marcos

Image
SINIGURADO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (PBBM) na tutuparin ng pamahalaan ang target goals nito para sa agricultural sector. Pahayag ito ng Punong Ehekutibo sa harap ng pagbubukas ng Agrilink Foodlink Aqualink Exhibit 2022. “I assure you that this administration is one with you in fulfilling our goals and targets for the agricultural rector. We will build ourselves back better together with the people who have been our bedrock of strength and of sustenance even the most challenging times,” pahayag ng Pangulo. Kaugnay nito, inilahad ni PBBM na nagkaloob ang gobyerno ng inputs gaya ng mga binhi, fertilizers, fingerlings, livestock, machinery equipment at facilities bilang tulong sa mga magsasaka at mangingisda. Kabilang pa sa mga programa ng pamahalaan ang pinalawak na irrigation programs, pagtatag ng KADIWA outlets, pagbuo ng food logistics hubs at agri-trading centers. Gayundin ang pag-organisa at pagtulong sa mga kooperatiba at asosasyon para sa procurement ...

Taguig LGU, nais magkaroon ng komprehensibong plano at mga programang pang-edukasyon

Image
NAIS ng Taguig City Government na magkaroon ng komprehensibong plano at mga programang pang-edukasyon sa pagsisimula ng 100% face-to-face classes. Sa isinagawang, Local School Board Meeting sa pangunguna ni Mayor Lani Cayetano napag-usapan ang pagpapalawig ng Tele Aral Program at mga plan of action para sa lalong pagpapabuti ng face-to-face classes sa lungsod. Iminungkahi ni Cayetano ang kanyang pagnanais na magkaroon ng mas komprehensibong plano at mga programang pang-edukasyon tulad ng Tele Aral para sa ikabubuti ng mga estudyante at mga guro. Kamakailan ay nagdiwang ng National World Teacher’s Day ang lungsod ng Taguig kaya hiniling ni Cayetano na patuloy na suportahan ang mga guro sa pamamagitan ng capacity building at tugunan ang kanilang mga hiling at pangangailangan. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Pagtutupad sa target programs para sa agricultural sector, tiniyak ni Pangulong Marcos

Image
SINIGURADO ni Pangulong Bongbong Marcos na tutuparin ng pamahalaan ang target goals nito para sa sektor ng agrikultura. Inilahad ni PBBM na nagkaloob ang gobyerno ng inputs gaya ng mga binhi, fertilizers, fingerlings, livestock, machinery equipment at facilities bilang tulong sa mga magsasaka at mangingisda. Kabilang pa sa mga programa ng pamahalaan ang pinalawak na irrigation programs, pagtatag ng KADIWA outlets, pagbuo ng food logistics hubs at agri-trading centers. Gayundin ang pag-organisa at pagtulong sa mga kooperatiba at asosasyon para sa procurement ng reefer vans, freezers, chillers at iba pang logistical support. Ito ay upang matulungan ang mga magsasaka na episyenteng mai-transport ang kanilang mga produkto sa mga konsyumer. Bukod dito, nagkaloob din ang gobyerno ng iba’t ibang uri ng tulong tulad ng rice farmers financial assistance at fuel discount program sa mga magsasaka at mangingisda. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

DOLE, nilinaw na hindi lahat ng Muslim ay sakop ng holiday bukas sa BARMM

Image
IPINALIWANAG ng Department of Labor and Employment (DOLE) na tanging ang mga probinsya lamang sa B angsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) ang sakop ng regular non-working holiday at hindi kasama ang mga Muslim na nagtatrabaho sa labas ng nasabing rehiyon. Ito ay kaugnay sa deklarasyon ng BARMM na walang pasok bukas sa trabaho sa lahat ng mga government offices na sakop nito. Ito ay dahil dalawang mahalagang aktibidad ang gugunitain at ito ay ang Maulid un-Nabi sa ilalim ng Presidential Decree No. 1083 o mas kilala sa Code of Muslim Personal Laws of the Philippines at ang Rabi’ul-Awwal. Ang Maulid un-Nabi ay pagdiriwang sa araw ng kapanganakan ni Propeta Mohammed habang ang Rabi’ul-Awwal ay buwan ng kapanganakan ng Mahal na Propeta. Sinabi ng DOLE na sakaling may mga kompanya na magpapatrabaho sa kanilang mga empleyado na sakop ng BARMM ay obligado ang mga ito na sundin ang labor code ng Pilipinas sa pagbabayad nang tamang pasweldo kapag holiday. [embedded conten...

Bintang ng Kilusang Mayo Uno vs Marcos administration sa pagkamatay ni Percy Lapid, kinundena ng isang anti-communist group

Image
HINDI pinalagpas ng anti-communist group na Yakap ng Magulang ang kasinungalingan umano ng Kilusang Mayo Uno na prente ng CPP-NPA-NDF nang sakyan nito ang isyu ng pagkamatay ng brodkaster na si Percy Lapid . Nanggagalaiting kinontra ng anti-communist group na Yakap ng Magulang ang pinuno ng Kilusang Mayo Uno na si Elmer Labog kaugnay sa paninisi nito sa administrasyon nina dating Pangulong Duterte at sa kasalukuyang pamahalaan. “Mayroon pong 100 days na report para sa magagandang nagawa ng ating administrasyon at ito sabay po sa pagpatay kay Percy Lapid kung saan kilala po siya bilang kritiko ng ating administrasyon at ni Duterte. Ngayon nakapagtataka po na itong Kilusang Mayo Uno sa pamamagitan ng Labug ibinentang na sa ating gobyerno ‘yung pagkamatay ni Ka Percy Lapid. So, sinabi niya na maraming patayan ang nangyayari. Ngayon matanong ko lang po ilan ba ‘yung mga namatay?” kuwestyon ni Relissa Lucena, presidente ng Yakap ng Magulang Movement. Kasunod ito ng pagkakapaslang sa ...

South Korea at Estados Unidos, nagpalipad ng missiles sa karagatan bilang pag-response sa North Korea

Image
BILANG pag-responde sa ginawang missile launch kahapon ng Pyongyang ay nagpalipad din ng missiles ang South Korea at Estados Unidos malapit sa North Korea. Naglunsad na naman ng nuclear armed ang North Korea test firing noong nakaraang araw ng Intermediate Range Ballistic Missile na pinakamalayong naabot ng pagpapalipad nito. Ayon sa White House National Security Council, ang hakbang na ito ng North Korea ay isang delikadong paglulunsad at sisiguruhin nito na magpapakita ang Estados Unidos ng pwersa maging ang mga kaalyado nito. Dahil dito, nagpalipad din ng missile patungo sa karagatan ang tropa ng South Korea at Amerika. Nagkaroon din ng bombing drill sa pamamagitan ng fighter jets ang mga ito sa Yellow Sea. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Mga Pilipino sa Sarawak nagpasalamat sa isinagawang consular outreach mission ng embahada

Image
NAGPAABOT ng pasasalamat ang mga Pilipino sa isinagawang consular outreach mission ng embahada ng Pilipinas sa Kuching . Matapos ang halos 3 taong paghihintay dahil sa COVID-19 pandemic, mainit na tinanggap ng Filipino community sa Sarawak ang pangkat ng Embahada ng Pilipinas na nagsagawa ng regular na consular outreach mission noong Setyembre 26-30, 2022. Nauna nang inanunsyo ng embahada ang pagsasagawa ng consular outreach mission nito sa Kuching at ang pagpapatupad ng appointment system at iba pang standard operating procedure bilang pagsunod sa health at safety protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Ayon sa pahayag ng embahada sa Facebook page nito, nakapagbigay ang mga ito ng 675 na serbisyo kabilang ang e-passport applications, notarial, and civil registry services. Nagsagawa rin ang embassy team ng information dissemination campaign sa mga miyembro ng komunidad na humingi ng payo sa embassy team sa iba’t ibang consular at iba pang usapin. Gayunpaman, ang regula...

Dagdag na international flights ngayong Oktubre, tiniyak ng Cebu Pacific

Image
TINIYAK ng Cebu Pacific ang dagdag flights nito na pang-international ngayong buwan ng Oktubre Ayon sa CEB kabilang sa mga dadagdagan ng flights ay ang Bali, Bangkok, Dubai, Fukuoka, Hanoi, Ho Chi Minh, Hong Kong, Jakarta, Kuala Lumpur, Singapore, at Taipei. Ipagpapatuloy rin ng Cebang direktang Davao Singapore flight nito sa Oktubre 30 habang ipagpapatuloy rin nito ang paglipad nito sa Kota Kinabalu mula Oktubre 31 matapos pansamantalang natigil ang flight operation sa mga ruta dahil sa pandemic. Samantala kasalukuyang direktang lumilipad ang Cebsa 19 international destination. Bukod sa mga nabanggit, lumilipad din ang CEB sa Brunei, Narita, Nagoya, Osaka, Guangzhou, Seoul, at Sydney. Follow SMNI News on Twitter

50 milyong national ID, ipapamahagi bago mag 2023 –PSA

Image
TARGET ng Philippine Statistics Authority (PSA) na maipadala na ang mahigit sa 50 milyong national ID bago matapos ang kasalukuyang taon. Ito ang sinabi ni PSA Usec. Claire Dennis Mapa sa pagdinig ng Senate Committee on Finance sa budget ng National Economic and Developmental Authority (NEDA) at attachéd agencies, sa pag-uusisa ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa kalagayan ng ipinatutupad na National ID system ng bansa. Inusisa ni Pimentel kung bakit maraming Filipino pa ang hindi nakakatanggap ng kanilang national ID gayung matagal nang nagparehistro, maliban pa sa pagtitiyak sa PSA na ligtas ito at hindi mapepeke. Sinabi ni Mapa na  para mapabilis ang pamamahagi ng national ID ay sabay na ipapadala ng PSA ang physical ID at electronic ID na maaaring makuha sa mobile phone at maaaring i-print. Aniya, konti na lamang ang hindi naipapadalang ID at bago matapos ang taon ay tinitiyak ng PSA na lahat ng ID ay matatanggap na ng mga Filipino sa buong bansa. A...

Hirit na dagdag-singil sa kuryente ng Meralco at San Miguel Corporation, ibinasura ng ERC

Image
IBINASURA ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang hirit na taas-singil sa kuryente ng Meralco at San Miguel Energy Corporation. Ito ang kinumpirma ni ERC Chairman Monalusa Dimalanta sa press conference. Ayon kay Dimalanta, ang kontrata ng Meralco at dalawang planta ng SMC ay financial contract at may fixed price sa loob ng 10 taon. Ibig sabihin aniya, maaring kunin ng kakontrata ng Meralco ang suplay ng kuryente kahit saan nila gusto basta maibigay ito sa takdang panahong kailangan. Inihirit ng SMC at Meralco ang dagdag-singil dahil sa pagsipa ng presyo ng coal at gas. Follow SMNI News on Twitter

Dagupan LGU, UNICEF, DOH at CHO, nag- sanib pwersa para sa usaping pangkalusugan

Image
PALALAKASIN ng lokal na pamahalaan ng Dagupan, UNICEF, at Department of Health (DOH) ang immunization program para sa mga batang Dagupeño na may edad 6 hanggang 59 months kontra measles. Nagbigay ng all-out support si Mayor Belen T. Fernandez sa adhikaing ito sa pamamagitan nina Christian Vasquez, consultant mula sa Spain ng UNICEF; Bernie Bersola, procurement service officer ng UNICEF; Dr. Amadeo Zarate, development management officer IV ng DOH; Dr. Maria Julieta de Venecia, medical officer IV at Cristina Cayabyab, nurse IV ng City Health Office. Tuloy-tuloy ang isinasagawang misting operation ng City Health Office alinsunod sa direktiba ni Mayor Belen Fernandez upang mapigilan ang kaso ng dengue simula sa mga paaralan at barangay. Kasama sa mga lugar tinungo ng CHO para sa misting operations ng siyudad nitong Martes ang sitio Acasia, Pulong at  Baybay, brgy. Pantal na may 400 na kabahayan. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Pagpapatayo ng Regional Heart Centers, Kidney at Transplant Institutes sa bansa, iginiit ng isang senador

Image
ISINUSULONG ngayon sa Senado ang pagkakaroon ng specialty hospital sa mga rehiyon para matiyak na makakakuha ng sapat na paggamot sa puso at atay ang mga Pilipino sa malalayong lugar – lalo na ang mga mahihirap. Naghain si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla ng panukalang batas na magpapatayo ng mga Regional Heart Center (RHC) at Regional Kidney Transplant Institutes (RKTI) sa bansa. Sa Senate Bill 1361 na magpapatayo ng RHCs, ipinunto ni Padilla na ang mga pasyente sa mga probinsya ay nahihirapang makakuha ng mataas na antas ng cardiac care dahil ang nag-iisang specialty hospital, ang Philippine Heart Center, ay nasa Maynila. “Filipinos living near the metropolis have a greater advantage in accessing specialized care from the Philippine Heart Center. Meanwhile, patients coming from rural provinces are to some extent deprived of the same quality of cardiac care that the specialty hospital provides. They also have to spend a fortune to travel to Manila for the treatment of compl...

Kaso ng COVID-19 sa South Korea, bumaba sa 20,000

Image
HINDI tataas sa 20,000 ang bilang ng arawang naitatalang kaso ng COVID-19 sa South Korea . Inihayag ng South Korea Health Ministry na walang pagbabago sa bilang ng hawaan ng COVID-19 sa South Korea. Ayon sa Korea Disease Control and Prevention Agency (KDCA) nasa 12,150 na lang ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 infection kabilang na ang 132 mula sa ibang bansa. Sa kabila ng pagkalat ng Omicron variant ay patuloy sa pagbaba ang naitatalang kaso sa bansa mula sa buwan ng Agosto. Dagdag pa ng ahensya na nasa 361 na lamang ngayon ang bilang ng pasyente na may kritikal ang karamdaman. Samantala, nitong Sabado ay tinanggal na ng pamahalaan ng South Korea ang COVID-19 Polymerase Chain Reaction (PCR) testing requirement sa mga inbound traveler sa bansa. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter Follow SMNI NEWS in Tiktok Follow SMNI NEWS in Instagram

Hurricane Ian, isa sa mga pinakamalupit na bagyo na naitala sa kasaysayan ng Amerika, aabot sa mahigit $100-B ang pinsala

Image
SA pagwasak ng Hurricane Ian sa timog-silangan ng Estados Unidos , nagbigay si Pangulong Joe Biden ng detalyadong ulat ukol sa tugon ng kanyang administrasyon sa mapangwasak na bagyo, at tinawag itong “isang krisis sa Amerika.” “We’re just beginning to see the scale of that destruction. It is likely to rank among the worst in the nation’s history. You have all seen on television, homes and property wiped out. It is going to take months, years to rebuild,” ayon kay US President Joe Biden. Sinabi ng Founder at CEO ng AccuWeather na si Dr. Joel N. Myers na ang malawakang pinsala ng Hurricane Ian, na nagdulot ng “nakamamatay na storm surge, nakakapinsalang hangin, at baha,” ay maaaring magresulta sa higit sa $100 bilyon na pinsala at pagkalugi sa ekonomiya para sa Florida at ilang nakapaligid na estado. Sa ngayon, halos isang milyon na kabahayan pa rin ang walang kuryente. Bukod pa rito, nag-aalala ang mga eksperto sa pamamaraan at sistema ng mga insurance company sa mga ari-arian n...

Senator Mark Villar, ikinatuwa ang patuloy na infrastructure development ng PBBM admin

Image
PINURI ni Senador Mark Villar ang hakbang ng pamahalaan na pagtuunan ng pansin ang infrastructure development ng bansa. Kasama si Sen. Villar na dumalo sa groundbreaking ceremony ng Metro Manila Subway araw ng Lunes na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Ang Ortigas at Shaw Boulevard Stations and Tunnels ay bahagi ng Contract Package 104 (CP104) ng Metro Manila Subway Project (MMSP). “I’m glad to see that President Bongbong Marcos’ BUILD BETTER MORE program will continue the country’s Golden Age of Infrastructure. Continuity is very significant in terms of infrastructure development in the country,” pahayag ni Villar. Para kay Villar, ang pagtatayo ng subway ay bahagi sa pagpapatuloy ng golden age ng infrastructure ng bansa. Ang Metro Manila Subway Project ay isa sa mga pangunahing proyektong pang-imprastraktura sa Pilipinas. Plano nito ang pagtatayo ng isang epektibong rail network sa National Capital Region (NCR). Ang CP104 na nagkakahalaga ng PhP17....

Pastor Apollo, muling pinasaringan ang hukom na nagbasura ng petisyon vs. kalaban ng estado; Joma Sison, dapat unang hulihin ng gobyerno.

Image
MULING pinasaringan ng SMNI Honorary Chairman Pastor Apollo C. Quiboloy ang hukom na nagbasura ng petisyon ng Department of Justice (DOJ) na magdedeklara sa Communist Party of the Philippines-New Peoples’ Army (CPP-NPA) bilang terorista. Matatandaang sa inilabas na desisyon noong Setyembre 21, kasabay ng paggunita sa ika-50 Anibersaryo ng Deklarasyon ng Martial Law, sinabi ni Manila Regional Trial Court Branch 19 Judge Marlo Magdoza-Malagar na hindi maituturing na terorista ang CPP-NPA; at pawang ang mga insidente ng karahasang isinampa laban sa CPP-NPA ay hindi sapat upang mahulog sa depinisyon ng terorismo, bagkus maaaring ituring na ‘common crime’ sa ilalim ng batas. At nitong Linggo, sa kanyang programang Sounds of Worship ay hinamon ni Pastor Apollo ang judge na maglabas ng warrant of arrest laban sa CPP-NPA kung common crimes ang tingin nito sa kanilang ginagawa. Hinamon din ng butihing Pastor si Judge Malagar na numero uno nitong ipa-aresto ang lider ng armadong grupo na ...

Presyo ng karne ngayong Christmas season, tataas

Image
TATAAS ang presyo ng karne ngayong paparating na Christmas season . Ayon sa Meat Importers and Traders Association (MITA), bunsod ito ng delivery delays at tumataas na puhunan. Ibinahagi nito na ang delivery delays ay dahil sa lockdowns na ipinatutupad partikular na sa China at Taiwan kung saan dumadaan ang ini-import ng Pilipinas. Apektado rin ang livestock at poultry sector dahil sa pananalasa ng Bagyong Karding at katumbas ito ng 12.8 million pesos na pinsala. Hanggang noong September 29, 2022, aabot na ng 350 pesos per kilo ang pork liempo; at 300 pesos ang pork kasim. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter Follow SMNI NEWS in Instagram Follow SMNI NEWS in Tiktok

Pagsama ng blending learning sa basic education system, pinag-aaralan –DepEd

Image
PINAG-AARALAN ng Department of Education (DepEd) na ma-institutionalize ang pagpapatupad ng “blended learning.” Sa press conference, sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa na isa ito sa nakikitang solusyon sa gitna ng kakulangan ng silid-aralan sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa. Ayon kay Poa, taon-taon ay tumataas ang bilang ng enrollees ngunit marami namang paaralan ang napipinsala ng mga kalamidad. Nito lamang nagdaang Bagyong Karding, pumalo sa 165 paaralan ang napinsala kung saan 385  classrooms dito ang totally damaged.     Follow SMNI News on Twitter

Brgy. 176 sa Caloocan City, maaari nang makapagsagawa ng minor surgery operations

Image
MAAARI nang makapagsagawa ng minor surgery operations ang Caloocan City . Kasunod ito ng inagurasyon ng dalawang health centers na nasa Phase 9 at Phase 10 ng Barangay 176 sa lungsod. Ang dalawang pasilidad ay pawang may minor surgery area, recovery room, examination and consultation room at maging breastfeeding area. Ngayon ay maaari na ring makapag-alok ang dalawang health centers ng mga serbisyo gaya ng overall health evaluation, vaccines and immunization, pre-natal check-up, dental check-up, at libreng vitamins. Follow SMNI News on Twitter

NCAA, sinuspinde sina Paraiso at Sangalang ng Letran kasunod ng ejections nito laban sa Mapua

Image
PINARUSAHAN ng NCAA ng one-game suspensions para sa Letran Stalwarts na sina Brent Paraiso at Louie Sangalang kasunod ng kanilang ejections laban sa Mapua noong Martes. Binigyan si Paraiso ng disqualifying foul matapos nitong sikuhin ang cardinals guard na si Adrian Nocum sa kalagitnaan ng fourth quarter ng kanilang laban kung saan nagwagi ang Knights na nagtapos sa iskor na 67-62. Ang one-game suspension ay mangyayari sa susunod nitong laban kung saan makahaharap nito ang historic rival nitong San Beda. Ayon kay NCAA Commissioner Tonichi Pujante, parehong suspendido ang manlalaro as per FIBA at NCAA ground rules. Para naman sa kaso ni Sangalang, nabigyan din ito ng one-game suspension dahil sa kaparehong foul. Follow SMNI News on Twitter

Thailand at China, nagsagawa ng Digital Currency Trial

Image
NAGSAGAWA ang Thailand at China ng Digital Currency Trial para sa cross border payments at settlements. Kabilang ang bansang Thailand sa mga bansa na maaaring gamitin ang cross border payment na dinevelop ng China. Nakumpleto na ang Central Bank Digital Currency Trial na magpopokus sa cross border transactions sa China, Thailand, Hong Kong at United Arab Emirates. Higit 160 cross border payments at foreign exchange transactions na nagkakahalaga ng higit 22 milyong dolyar sa unang trial kabilang ang apat na Central Bank Currency at real value transactions. Ang development na ito ay kasunod ng pagtaas ng halaga ng dolyar kumpara sa iba pang currency at nagdulot ng capital outflow sa ilang mga negosyo. Ang Multiple Central Bank Digital Currency bridge test na dinevelop ng BIS ay idinesenyo para maihatid ng real time at sa mas murang halaga ang crosss border payments. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Iba’t ibang tanggapan sa Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa, nakiisa sa National Cleanup Month

Image
NAKIISA ang iba’t ibang tanggapan sa Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa National Cleanup Month ngayong Setyembre. Sa pangunguna ng Environmental Sanitation Center (ESC i dineploy ang mga volunteer sa buong lungsod. Sinimulan ang paglilinis kaninang alas 6:00 ng umaga. Samantala hinikayat ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Bianzon ang mga Muntinlupueño na palagiang maglinis ng kapaligiran at aktibong makibahagi sa pagsasaayos ng pamayanan. Follow SMNI News on Twitter

Karagdagang pre-pandemic routes, binuksan na ng LTFRB

Image
INANUNSYO ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mayroong 43 karagdagang pre-pandemic routes ang binuksan ng ahensya, ngayong Biyernes. Batay sa inilabas na Memorandum Circular No. 2022-073, ang mga binuksang ruta para sa mga traditional PUJ, Modern PUJ, at UVE ay saklaw ng Metro Manila Urban Transport Integration Study Update and Capacity Program Area. Mula sa 43 rutang binuksan, 20 nito ay PUB routes kung saan nasa 1,675 PUB units ang papayagang bumiyahe. Sinabi naman ng ahensya na ang pagbubukas ng mga naturang ruta ay pagtugon ng LTFRB sa pangangailangan ng pampublikong sasakyan sa gitna ng pandemya. Sa kabila niyan, pinapaalala pa rin ng ahensya sa mga PUV driver na sumunod sa mga alituntunin at polisiya ng LTFRB na nakasaad sa kanilang Certificate of Public Convenience (CPC). Ang sinumang mahuling lumalabag sa mga ito ay papatawan ng karampatang parusa base sa Joint Administrative Order 2014-01. Follow SMNI News on Twitter

Pastor Apollo C. Quiboloy, dinepensahan ang dating tagapagsalita ng NTF-ELCAC Dr. Lorraine Badoy

Image
DINEPENSAHAN ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ang Honorary Chairman ng SMNI, ang dating tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na si Dr. Lorraine Badoy mula sa mga kritiko nito. Ito’y kasunod ng naging babala ng Korte Suprema kaugnay sa umano’y threat o pagbabanta ni Dr. Badoy laban sa judge na nagbasura sa petisyon ng justice department na ideklara ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) bilang isang teroristang grupo. Matatandaang inulan ng batikos si Judge Marlo Magdoza-Malagar sa naging desisyon na hindi ideklara bilang terorista ang CPP-NPA. Sa kanyang programang Spotlight nitong Huwebes, binigyang-diin ni Pastor Apollo na karapatan ng Korte Suprema na protektahan ang nasasakupan nito at ang ginawa ni Dr. Badoy ay bahagi lamang ng kanyang karapatan na magpahayag. “Karapatan ng Supreme Court ‘yun kasi poprotektahan nila ang kanilang hanay, walang mali doon sa desisyon, wala naman silang pakialam doon sa ...

ROTC, mas magandang ipatupad sa higher education –VP Sara Duterte

Image
NAGPULONG kamakailan sina Vice President Sara Duterte kasama ang opisyal ng Commission on Higher Education (CHED) at ilang mambabatas para sa pagbabalik ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC). Ayon kay Vice President Sara Duterte, nagkaroon na sila ng initial meeting kasama ang CHED, ilang kongresista at senador kung paano ipatutupad ang ROTC. Inilahad ni Vice President Duterte na sa kanilang pagpupulong napag-usapan na sa higher education o sa kolehiyo na lamang ipatupad ang nasabing programa. “During our discussion, I think it was clear sa lahat na mas maganda kung ibalik ang ROTC sa higher education since noon, nasa higher education na talaga siya,” pahayag ni VP Sara. Binigyang-diin naman ng bise presidente na sa basic education, ituturo na lamang ang disiplina at pagmamahal sa bansa. “The basic education will focus on other parts of the curriculum na mag-instill ng discipline and love of country sa ating mga learners,” ayon kay Sara. Matatandaang una nang inihayag...

UAE, nanawagan sa Iran na ibalik ang tatlong isla na inookupa nito

Image
HINIHIKAYAT ng United Arab Emirates (UAE) ang Iran na ibalik ang tatlong isla na inookupa nito sa mapayapang pamamaraan. Sa kanyang speech sa ginanap na ika-77 UN General Assembly, ipinaliwanag ng ministro na muling hinihikayat ng UAE ang Iran na lumikas na sa tatlong emirati islands na kasalukuyan nitong inookupa kabilang na ang Greater Tunb, Lesser Tunb at Abu Musa. Sa kanyang pahayag, mariin na ipinahayag ng ministro na sa kabila ng hindi pagresponde ng Iran sa panawagan ng UAE na ibalik ang mga isla sa loob ng 5 dekada, hindi ito titigil sa pag-claim ng karapatan nito sa mga nabanggit na isla. Samantala, sa isang press statement na inilabas noong Setyembre 10, inihayag ng Tehran na ang tatlong isla ay parte ng teritoryo ng Iran. Ang tatlong isla na ito ay matatagpuan sa silangan ng Arabian Gulf. Matatandaan na taong 1971 pa nagpahayag ang UAE na parte ito ng bansa at hinihikayat ang Tehran na ibalik ito sa mapayapang pamamaraan. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitt...

Australia, gagawa ng national anti-corruption watchdog

Image
GAGAWA ang Australia ng national anti-corruption watchdog na sisilip ng mga korapsyon sa gobyerno nito. Sa isang statement ay inihayag ni Prime Minister Anthony Albanese at Attorney General Mark Dreyfus na ang hakbang ay magbabalik ng tiwala at integridad sa pulitika sa bansa. Nakatakda namang laanan ang ahensyang ito ng 262 milyong Australian dollars sa loob ng 4 na taon. Ang nasabing komisyon ang mag-iimbestiga ng seryoso o sistematikong korapsyon na makikita sa federal ministers, parliamentarians, political staff at empleyado o contractors ng gobyerno. Magkakaroon naman ito ng retrospective powers at maaaring maglathala ng natuklasang korapsyon o di kaya ay ipadala ang kaso sa federal police at public prosecutors. Maaari din magsagawa ng public hearings ang komisyon sa ilang mga sirkumstansya kung saan nakasentro ito sa pampublikong interes. Ang matutuklasang korapsyon ng komisyon ay nakatakda namang ipadala para sa isang judicial review. [embedded content] Follow SMNI NEW...

Mga may kulang ng kontribusyon sa Las Piñas, personal na siningil ng SSS

Image
SABAYANG ginawa ngayong araw ang RACE activity ng Social Security System (SSS) nationwide sa National Capital Region, ika-36 sa Las Piñas City at ito rin ang kauna-unahang aktibidad sa lungsod. Pitong establisimyento ang binisita ng RACE Team na binigyan ng billing notices upang ipaalala sa kanila ang mga obligasyon nila. Ang mga delinquent employers sa Las Piñas na binisita ng RACE team ay kinabibilangan ng logistics companies, school, construction company na may kabuuang delinquencies na mahigit P13.6 milyon. “Kaya po namin ito ginagawa para po ma-update ‘yung mga delinquencies ng mga employers natin na nahinto po noong panahon ng pandemya so nag-o-offer kami ng iba’t ibang programa para mabayaran nila ‘yung delinquencies sa lalong madaling panahon,” pahayag ni Cristine Grace Francisco, concurrent acting head-NCR South Division Branch Head III. Ayon kay acting  Senior Vice President NCR operations Maria Rita Aguja na ito na ang ika-36 RACE activity na isinagawa ng SSS s...

Mga Kristiyano sa Estados Unidos, mas kumukunti

Image
TUMATAAS ang bilang ng mga Amerikano sa Estados Unidos na nagpapakilala sa kanilang sarili bilang ateista, agnostiko o “walang partikular na relihiyon” na binabago ang istruktura ng mga relihiyon sa Amerika sa mga susunod na taon. Ang bilang ng mga Amerikano na naniniwala sa Diyos ay bumaba sa pinakamababang antas sa loob ng 78 taon ayon sa pinakabagong poll. Nakita ang mababang bilang sa paniniwala sa Diyos sa mga young adult, liberal at democrat, kung saan ang mga grupong ito ay nagpapakita ng pagbaba ng 10 o higit pang porsyentong puntos kumpara sa average ng mga poll na isinagawa mula 2013 hanggang 2017. Ayon sa mga proyekto na isinagawa ng Pew Research Center, ang mga Kristiyano ay maaaring mas bababa pa sa 50 porsyento ng populasyon ng U.S. pagsapit ng taong 2070 kung magpapatuloy ang ganitong trend. Mula noong 1990s, malaking bilang ng mga Amerikano ang umalis sa Kristiyanismo upang sumali sa lumalaking hanay ng mga nasa hustong gulang sa U.S. na naglalarawan sa kanilang r...