Prime minister ng Solomon Islands, bumisita sa Australia upang bawasan ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa

BUMISITA ang prime minister ng Solomon Islands sa Australia upang bawasan ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Nakipagkita si Solomon Islands Prime Minister Manasseh Sogavare kay Prime Minister Anthony Albanese matapos pumirma ng isang makasaysayang kasunduan kasama ang Estados Unidos.

Mayroon nang lamat ang ugnayan sa pagitan ng Australia at Solomon Islands matapos pumirma ang Pacific Nation ng security deal kasama ang China noong Abril.

Naglabas ng kanilang pangamba ang Australia at mga kaalyado nitong bansa ukol sa security deal kasama ang Solomon Islands at Beijing dahil posibleng ito ang magpatibay sa impluwensya ng China sa Indo Pacific Region.

Matatandaan na ang Estados Unidos at Australia ang unang nag-domina sa Pacific bago pa pumasok ang China at gumawa ng kasunduan rito.

Samantala, una nang inihayag ni Albanese ang importansya ng bilateral na ugnayan kasama ang Solomon Islands at ang role nito sa pagtulong na masiguro ang stabilidad sa rehiyon.

Ang kasunduan sa pagitan nina Albanese at Sogavare ay nangyari matapos pumirma rin ng kasunduan ang Solomon Islands kasama ang Estados Unidos at iba pang Pasipikong bansa noong nakaraang linggo.

Matatandaan na ang Australia ang pinakamalaking foreign aid donor ng Solomon Islands at isang importanteng economic partner sa loob ng ilang dekada.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon