10-K Police personnel, i-dedeploy sa mga sementeryo sa NCR sa araw ng Undas –NCRPO

KINUMPIRMA ni National Capital Region Police Office (NCRPO) spokesperson PLt. Col. Dexter Versola na magdedeploy sila ng sampung libong police personnel sa mga sementeryo sa buong Metro Manila sa araw ng Undas.
Dagdag ni Versola kasama sa nasabing bilang ang mga bagong graduates at police multiplier na aalalay para mamonitor ang kapayapaan sa paggunita ng Undas.
Ang pahayag ni Versola ay kasunod sa iniharap nitong apat na karagdagang police mobile outpost sa Paranaque City.
Nasa pitong rolling or mobile outpost naman na proyekto ni NCRPO Chief PBGen Jonnel Estomo ang ilalatag sa mga sementeryo upang magamit ng kapulisan na nakatalaga sa mahigit 100 sementeryo sa buong NCR.
Comments
Post a Comment