Hirit na dagdag-singil sa kuryente ng Meralco at San Miguel Corporation, ibinasura ng ERC

IBINASURA ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang hirit na taas-singil sa kuryente ng Meralco at San Miguel Energy Corporation.
Ito ang kinumpirma ni ERC Chairman Monalusa Dimalanta sa press conference.
Ayon kay Dimalanta, ang kontrata ng Meralco at dalawang planta ng SMC ay financial contract at may fixed price sa loob ng 10 taon.
Ibig sabihin aniya, maaring kunin ng kakontrata ng Meralco ang suplay ng kuryente kahit saan nila gusto basta maibigay ito sa takdang panahong kailangan.
Inihirit ng SMC at Meralco ang dagdag-singil dahil sa pagsipa ng presyo ng coal at gas.
Comments
Post a Comment