Senator Mark Villar, ikinatuwa ang patuloy na infrastructure development ng PBBM admin

PINURI ni Senador Mark Villar ang hakbang ng pamahalaan na pagtuunan ng pansin ang infrastructure development ng bansa.
Kasama si Sen. Villar na dumalo sa groundbreaking ceremony ng Metro Manila Subway araw ng Lunes na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Ang Ortigas at Shaw Boulevard Stations and Tunnels ay bahagi ng Contract Package 104 (CP104) ng Metro Manila Subway Project (MMSP).
“I’m glad to see that President Bongbong Marcos’ BUILD BETTER MORE program will continue the country’s Golden Age of Infrastructure. Continuity is very significant in terms of infrastructure development in the country,” pahayag ni Villar.
Para kay Villar, ang pagtatayo ng subway ay bahagi sa pagpapatuloy ng golden age ng infrastructure ng bansa.
Ang Metro Manila Subway Project ay isa sa mga pangunahing proyektong pang-imprastraktura sa Pilipinas.
Plano nito ang pagtatayo ng isang epektibong rail network sa National Capital Region (NCR).
Ang CP104 na nagkakahalaga ng PhP17.75-B ay itatayo ng Tokyu-Tobishima Megawide Joint Venture, TTM-JV.
“During my term as DPWH Secretary, I remember the time when this project was being conceptualized. Many were doubtful but here we are here today, realizing the project that has come to fruition. This world-class subway only proves that we can be on par with other developed countries,” ani Villar.
Ayon kay Villar, unang nabuo ang consepto ng proyekto sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang kalihim ng DPWH ng nakaraang Duterte administration.
Marami aniya ang nag-alinlangan dito ngunit naisakatuparan na ngayon.
Ang proyekto ay pinondohan ng gobyerno ng Japan sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).
Target naman ng Department of Transportation (DOTr) na bahagyang simulan ang operasyon ng subway sa 2025.
MGA KAUGNAY NA BALITA:
Konstruksiyon ng Metro Manila Subway Project, tuloy sa ilalim ng Marcos admin
P112.87-B na loan ng Pilipinas para sa Metro Manila Subway Project, naaprubahan na ng Japan
Bahagi ng Meralco Avenue, isasara para sa groundbreaking ceremony ng subway project
Comments
Post a Comment