Dredging operations sa Marikina River, itutuloy-tuloy ng LGU

IGINIIT ng Marikina City government na hindi hihinto at magtutuloy-tuloy ang kanilang dredging operations.

Ayon sa Marikina PIO, hindi mahihinto ang inisyatibo ni Mayor Marcy Teodoro na palakihin ang water carrying capacity ng ilog.

Lalo na’t naging daan ang dredging upang lumaki at lumawak ang ilog at bumilis ang daloy ng tubig na naging mitigasyon sa pagbaha sa mga komunidad.

Sa pagtama kamakailan ng Bagyong Karding, malaki ang epekto ng dredging dahil hindi agad binaha ang Marikina.

Naunang sinimulan ang massive dredging operations sa ilog ng Marikina noong binuo ang Task Force Build-Back-Better ng Duterte administration na nakatuon sa river system ng siyudad mula sa uplands ng Rizal pababa ng Pasig.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon