Taguig LGU, nais magkaroon ng komprehensibong plano at mga programang pang-edukasyon

NAIS ng Taguig City Government na magkaroon ng komprehensibong plano at mga programang pang-edukasyon sa pagsisimula ng 100% face-to-face classes.

Sa isinagawang, Local School Board Meeting sa pangunguna ni Mayor Lani Cayetano napag-usapan ang pagpapalawig ng Tele Aral Program at mga plan of action para sa lalong pagpapabuti ng face-to-face classes sa lungsod.

Iminungkahi ni Cayetano ang kanyang pagnanais na magkaroon ng mas komprehensibong plano at mga programang pang-edukasyon tulad ng Tele Aral para sa ikabubuti ng mga estudyante at mga guro.

Kamakailan ay nagdiwang ng National World Teacher’s Day ang lungsod ng Taguig kaya hiniling ni Cayetano na patuloy na suportahan ang mga guro sa pamamagitan ng capacity building at tugunan ang kanilang mga hiling at pangangailangan.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo