Pagtupad sa target programs para sa agricultural sector, tiniyak ni Pangulong Marcos

SINIGURADO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (PBBM) na tutuparin ng pamahalaan ang target goals nito para sa agricultural sector.

Pahayag ito ng Punong Ehekutibo sa harap ng pagbubukas ng Agrilink Foodlink Aqualink Exhibit 2022.

“I assure you that this administration is one with you in fulfilling our goals and targets for the agricultural rector. We will build ourselves back better together with the people who have been our bedrock of strength and of sustenance even the most challenging times,” pahayag ng Pangulo.

Kaugnay nito, inilahad ni PBBM na nagkaloob ang gobyerno ng inputs gaya ng mga binhi, fertilizers, fingerlings, livestock, machinery equipment at facilities bilang tulong sa mga magsasaka at mangingisda.

Kabilang pa sa mga programa ng pamahalaan ang pinalawak na irrigation programs, pagtatag ng KADIWA outlets, pagbuo ng food logistics hubs at agri-trading centers.

Gayundin ang pag-organisa at pagtulong sa mga kooperatiba at asosasyon para sa procurement ng reefer vans, freezers, chillers at iba pang logistical support.

Ito ay upang matulungan ang mga magsasaka na episyenteng mai-transport ang kanilang mga produkto sa mga konsyumer.

Bukod dito, nagkaloob din ang gobyerno ng iba’t ibang uri ng tulong tulad ng rice farmers financial assistance at fuel discount program sa mga magsasaka at mangingisda.

“Of course we also have the quick response fund which we use to aid our farmers in times of disasters and calamities. So far the government has released a total of 1.54 billion that benefitted more than 17 million farmers and fisherfolk,” ayon kay PBBM.

Samantala, tinawag naman ni Pangulong Marcos ang mga magsasaka, mangingisda, livestock farmers at breeders, na dakilang bayani ng bansa.

Ito ang naging pagkilala ng Punong Ehekutibo sa naturang sektor sabay iginiit ang kahalagahan na mapanatili ang katatagan ng food security sa bansa.

Binigyang-diin din ng Pangulo na ang pagsusumikap ng pamahalaan na mapaghusay pa ang agricultural sector partikular ang kalagayan ng mga magsasaka at mangingisda ay nag-uumpisa pa lamang.

Kinakailangan aniyang ipagpapatuloy ang pagbubukas ng marami pang oportunidad para mapag-ibayo ang kalagayan ng mga nasa hanay ng agrikultura.

Napapanahon din ayon sa Chief Executive, ang pagtutok sa agricultural sector lalo’t nagtaas ang presyo ng basic commodities at upang matiyak ang suplay ng pagkain sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon