PUV drivers na labis ang paniningil ng pamasahe, kinundena ng LTFRB

MARIING kinundena ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang labis na paniningil ng mga public utility vehicle (PUV) drivers sa kanilang mga pasahero.

Kasunod ito sa karanasan ng isang Korean artists na sumakay ng taxi pagdating ng bansa noong nakaraang buwan.

Siningil ito ng mahigit P1,000 ng isang taxi driver na tinatayang tatlong beses na mas mataas sa dapat na singil sa kaniya sa taxi.

Kaugnay nito, sinabi ng LTFRB na hindi katanggap-tanggap ang panloloko ng PUV drivers sa mga pasahero lokal man o dayuhan kagaya ng labis na paniningil.

Pinaalalahanan ng LTFRB sa mga PUV driver at operator na sumunod sa mga alituntunin at polisiya ng ahensiya upang mapabuti ang pagseserbisyo sa publiko.

Ang sinumang mahuhuling lalabag sa mga ito ay papatawan ng karampatang parusang nakapaloob sa Joint Administrative Order 2014.

Tulad ng pagbabayad ng multa at pagkansela ng kanilang Certificate of Public Convenience (CPC).

Hinikayat naman ng ahensiya ang publiko na ipagbigay-alam sa opisina ang mga ganitong pangyayari sa pamamagitan ng LTFRB 24/7 hotline 1342.

Puwede ring bisitahin ang official Facebook page at Facebook messenger ng ahensiya o di kaya’y mag-e-mail sa pacd@ltfrb.gov.ph upang maaksyunan ang ganitong mga uri ng reklamo.

Samantala, matapos ang limang linggo na rollback sa produktong petrolyo, posibleng ipatupad bukas ang big time oil price hike sa diesel.

Batay sa oil industry sources, halos P6 ang posibleng dagdag singil sa presyo ng produktong diesel kada litro.

Habang nasa higit P1 naman ang dagdag singil sa gasolina kada litro.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon