Supply ng asin sa bansa, sapat – DTI

SAPAT ang supply ng asin sa Pilipinas.

Ito ang nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) sa gitna ng pagtaas ng presyo ng asin kamakailan.

Sa televised briefing, sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na pinayagan ng ahensya ang price hikes sa asin dahil long overdue na ito.

Ayon kay Castelo, kalahating dekada na nang huling nagtaas ng presyo ang mga salt manufacturers.

Dagdag pa ng DTI official, mayroon ang bansa ng hindi bababa sa apat na malalaking salt manufacturers at mayroon ring mga imported na umiikot sa merkado.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo