Katawan ng tao at mga bahagi ng motorbanca, natagpuang palutang-lutang sa Samar

NATAGPUANG palutang-lutang ang isang labi at mga bahagi ng nasirang motorbanca sa Tarangnan, Samar.

Ayon kay Joint Task Force Storm spokesperson Captain Ryan Layug, ibabang bahagi lamang ng pinaniniwalaang babae ang na-retrieved ng mga awtoridad.

Magkakahiwalay aniyang nakita ng mga mangingisda ang bahagi ng bangka na may kapasidad na magsakay ng mahigit 10 indibidwal.

Itinurnover na sa Tarangnan Municipal Police Station ang labi at ang mga bahagi ng nasirang bangka habang nagsagawa ng dokumentasyon at nangalap ng ebidensya at laboratory sample ang Scene of the Crime Operatives (SOCO).

Nitong Lunes nang makaengkwentro ng militar ang tinatayang 10 rebelde na sakay ng motorbanca na kalaunan ay sumabog.

Sinasabing sakay rin umano ng bangka ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon