Kadiwa outlets sa Metro Manila, planong palawakin ng DA

PLANO ng Department of Agriculture (DA) na palawakin ang Kadiwa outlets para mas maraming residente ng Metro Manila ang magkaroon ng access sa de-kalidad, ligtas, at abot-kayang agri fishery products.
Ayon sa DA, ang Kadiwa ay isang marketing initiative nila na ipinatutupad sa pamamagitan ng Agribusiness and Marketing Assistance (AMAS).
Naglalayong bigyan ng kapangyarihan ang pamayanan ng pagsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng direkta at epektibong farm-to-consumer food supply chain.
Matatandaan na ang Kadiwa outlets ay isinulong ng DA noong kasagsagan ng pandemya para tumulong na patatagin ang mga presyo at supply ng mga pangunahing pagkain na naapektuhan ng pagpatutupad ng mga community lockdown.
Comments
Post a Comment