Filipino pole vaulter EJ Obiena, kampeon sa kompetisyon sa Germany

SINIMULAN ng Filipino pole vaulter na si EJ Obiena ang second half ng season nito sa panalo matapos itong magkampeon sa Internationales Stabochsprung-Meeting sa Germany.

Nagawang matalo ni Obiena ang best height na 5.81m upang pangunahan ang kompetisyon kung saan nakalaban nito ang Athletics World Championship Silver Medalist na si Christopher Nilsen at home bet na si Oleg Zernikel.

Madaling natalo ni Obiena ang 5.61m, 5.71m, at 5.81m sa isang attempt lamang kung saan nagwagi ito laban sa 11 na iba pang pole vaulters.

Dahil dito, pasok na rin si Obiena para sa qualifying standards para sa World Athletic Championship sa susunod na taon na gaganapin sa Hungary.

Susunod na sasabak si Obiena sa Athletissima sa Laussane, Switzerland bukas, Huwebes.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo