3 katao, naitalang nasawi dahil sa bagyong Florita – NDRRMC

TATLO ang naitalang nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Florita nitong mga nagdaang araw.

Batay sa datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tig-isa ang kumpirmadong nasawi sa Region 2 at Cordillera Administrative Region (CAR) habang beneperipika pa ang isang naiulat na nasawi sa Region 5.

Ayon sa NDRRMC, apat ang naitalang nasugatan sa bagyo habang walang naitalang nawawala.

Nasa 11,953 pamilya o 47,169 naman ang naiulat na apektado dahil sa bagyo habang nasa 10,355 ang displaced persons.

Samantala, kabuuang 30 bahay naman ang naiulat na napinsala sa Region 1, 2 at CAR kung saan 26 ang partially damaged at apat ang totally damaged.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo