P46.28-M smuggled na sigarilyo, nasabat ng BOC

AABOT ng mahigit 40 milyong pisong smuggled na mga sigarilyo ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Subic Port.

Nanggaling sa Malaysia ang P46.28-M na kontrabando na idineklarang mga tela pero makaraang ininspeksiyon ay nadiskubreng naglalaman pala ang container van ng 1,122 na master cases ng Marvels filter cigarette.

Lumitaw sa imbestigasyon na ang consignee ng kontrabando na Proline Logistics Philippines Incorporated ay hindi rehistradong locator ng imported na sigarilyo at tobacco products sa SBMA.

Sa record naman ng BIR ay hindi rin kasali sa listahan ng mga rehistradong importer ng sigarilyo ang nasabing consignee na dalawang beses na palang nahulihan ng mga smuggled cigarrettes na nagkakahalaga ng P84.97-M.

Naglabas na ng warrant of seizure si District Collector Maritess Martin upang hindi na mailabas ang nasabing kontrabando.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon