North Korea, nagdeklara ng tagumpay sa laban sa COVID-19

IDINEKLARA ni North Korean President Kim Jong Un ang tagumpay sa laban ng bansa sa COVID-19 at iniutos ang pagpapagaan ng mga hakbang sa maximum emergency na ipinatupad 3 buwan ang nakakaraan.
Sa isang pagpupulong kasama ang mga opisyal ng kalusugan at mga siyentipiko noong Miyerkules, pinuri ni Kim ang kanilang kontribusyon dahil sa matagumpay na pagbaba ng kaso ng COVID-19.
Matatandaan na noong Mayo 12 naiulat ang unang naging kaso ng coronavirus sa bansa matapos ang 2 taong pagiging covid free nito.
Umabot naman sa mahigit 300-k ang kada araw na bilang ng mga impeksyon at matapos magpataw ng nationwide lockdown noong Hulyo 29 ay wala ng karagdagang impeksyon ang naiulat.
Samantala ayon sa mga awtoridad, ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa ay umabot na sa 4.77 milyon at 77 naman ang nasawi.
Comments
Post a Comment