Kalihim ng Estados Unidos, dumating sa Africa bilang ‘mediator’ sa gulo sa pagitan ng 3 bansa

DUMATING sa Congo ang Kalihim ng Estados Unidos na si Antony J. Blinken at nakatakdang makipagpulong sa mga opisyal ngayong linggo, sa gitna ng patuloy na sigalot sa pagitan ng mga militia at mga opisyal ng ilang mga bansa sa Africa.

Ayon sa kagawaran ng estado, si Blinken ay nakatakdang magpahayag ng mensahe sa mga bansang Aprikano bilang mga geostrategic players at kritikal na mga kasosyo sa mga pinakamahihirap na isyu sa ating panahon, mula sa pagtataguyod ng isang bukas at matatag na internasyonal na sistema, hanggang sa pagharap sa mga epekto ng pagbabago ng klima, kawalan ng seguridad sa pagkain at mga pandaigdigang pandemya na huhubog sa teknolohikal at pang-ekonomiyang hinaharap.

Ang alitan sa pagitan ng tatlong bansa at iba’t ibang militia ay may masalimuot na kasaysayan, ngunit ang ilan sa mga pinakahuling karahasan ay nag-ugat sa pagbagsak ng serye ng mga kontrata na inisyu noong 2020 para sa pag-access o mga karapatan sa kumikitang mga minahan sa Congo.

Simula noon, humawak ng armas ang mga grupong militia sa pag-asang mapatalsik ang mga karibal at kontrolin ang mga pinagtatalunang lugar.

Inaasahan ng mga lokal na opisyal na talakayin ni Blinken ang pagsulong ng kapayapaan sa Congo at ang mas malawak na rehiyon ng great lakes at seguridad ng libre, inklusibo at patas na pangkalahatang halalan sa 2023.

Ang Rwanda ay naglabas kamakailan ng isang pahayag na higit pang palakasin ang bilateral na relasyon sa pagitan ng Rwanda at Estados Unidos, pakikipagtulungan sa mga bansa kabilang ang peacekeeping at pandaigdigang kalusugan.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon