Higit P128-M cash assistance sa mga biktima ng lindol sa Northern Luzon, inilabas na ng DOLE

INILABAS na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mahigit sa P128 million na ayuda para sa mga residenteng labis na naapektuhan ng magnitude 7 earthquake sa Northern Luzon noong Hulyo 27.

Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na partikular sa mabibiyayaan ay ang 16,526 victims.

Ang bulto aniya ng assistance na mahigit sa P57 million ay sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Distressed Workers (TUPAD) program.

Samantala ang natitira pang pondo ay mapupunta naman sa iba pang proyekto tulad ng skills training, government internship program at livelihood.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon