COMELEC, handa na sa barangay at SK election

TINIYAK ng Commission on Elections (COMELEC) na nakahanda ito sa mga susunod at anumang mangyayari kaugnay sa nakatakdang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa December 5.

Ipinaliwanag ni COMELEC Chairman George Garcia na handa naman sumunod ang COMELEC sakaling magdesisyon ang Kongreso na ipagpaliban muna ang nasabing halalan.

Pero kung sakali naman aniyang matuloy ang eleksyon ay handa pa rin ang COMELEC para tugunan ang proseso at mga pangangailangan sa isang halalan.

Nauna dito ay isinusulong ng ilang mga mambabatas ma-ipostpone ang naturang eleksyon dahil malaking pondo ang matitipid ng gobyerno kapag hindi ito itinuloy. 

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo