Talumpati ni PBBM, may perfect amount of time – Sandro Marcos

HINDI gaanong mahaba ang talumpati ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ngunit ito ay may kabigatan.

“It has a perfect amount of time.”

Ito ang tinuran ni Ilocos Norte 1st District Congressman Sandro Marcos sa eksklusibong panayam ng SMNI News hinggil sa magiging takbo ng talumpati ng kanyang amang si PBBM.

Dagdag pa nito, kasama niya si PBBM nitong weekend habang isinusulat ang kanyang magiging talumpati ngayong araw.

Dagdag pa ng presidential son, tiyak na marami ang matutuwa sa magiging talumpati ng Pangulo kung saan ihahayag nito ang kanyang plano para sa bansang Pilipinas sa loob ng anim na taon.

Excited naman ang nakababatang Marcos na marinig ang kauna-unahang SONA ng kanyang ama na gaganapin mamayang alas-4 ng hapon.

Samantala, sinabi nito na abangan na lamang ng taumbayan kung kasama ba sa talumpati ng Pangulo ang usapin hinggil sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Aniya, banggitin man o hindi ng Pangulo ang tungkol sa NTF-ELCAC, tiniyak naman nito ang kanyang buong suporta sa nasabing programa.

Matatandaan na isa ang NTF-ELCAC sa pinakamatagumpay na programa ng Duterte administration sa pagsugpo ng insurhensya sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon