Senator JV, gustong makita ang roadmap ni Pangulong Marcos sa unang SONA

NAIS ni Senator JV Ejercito na ilatag na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga plano at programa ng administrasyon para sa susunod na anim na taon sa unang State of the Nation Address (SONA) nito.
Ayon kay Senator JV, nais niyang marinig ang mga specific na mga plano ni Marcos para sa bansa.
Dagdag pa ni Sen. JV, dapat pagtuunan ng pansin ni Marcos ang mga plano para sa economic recovery sa gitna ng COVID-19 pandemic at ang pagpatutupad ng Universal Health Care Law, plano sa imprastraktura at food security.
Umaasa rin si Ejercito na matatalakay ni Pangulong Marcos ang tungkol sa proteksyon ng mga Pinoy sa pandemya.
Una nang ipinangako ni Pangulong Marcos na ipagpapatuloy nito ang Build, Build, Build program ng administrasyong Duterte.
Comments
Post a Comment