Pagsuko at pagbaba ng armas ng mga rebelde, sagot sa kapayapaan sa bansa ayon sa militar

TILA may pagdadalawang isip ang militar sa posibleng pagsasabuhay ng peace talks sa pagitan ng pamahalaan at komunistang kilusan na Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa bansa.

Para kay Lt. Jefferson Tungpalan, Civil Military Operations Officer ng 3rd Mechanized Infantry Battalion, personal nitong nasaksihan ang problema ng insurhensiya sa kanilang area of responsibility dahil sa patuloy na armadong pakikibaka ng mga makakaliwang kilusan laban sa gobyerno.

Giit ng opisyal, matagal nang nananalo ang gobyerno laban sa mga makakaliwang kilusan kasunod ng tuluy-tuloy na pagsuko ng maraming miyembro ng NPA sa pamahalaan sa ilalim ng pinalawak na NTF-ELCAC.

Ayon sa militar, mas mararamdaman aniya ang tunay na kapayapaan kung makikipag- isa ang mga komunistang teroristang kilusan sa pamamagitan ng pagsuko ng kanilang mga sarili at mga armas nito kaysa sa usapin ng peace talks.

“Medyo nababawasan ‘yung tao, kagamitan, supporters ng kalaban and I think, effective ‘yung ginagawa natin sa 3rd Mechanized Infantry Battalion sa ating area of operations dahil sa pakikpagtulungan thru NTF-ELCAC, provincial, municipal down to the barangay level ELCAC, napaka-effective. So, we are winning, ‘yung ating quest to end the local communist armed conflict dito sa ating area of operations natin,” pahayag ni Tungpalan.

Isa lamang ang 3rd Mechanized Infantry Battalion Philippine Army sa San Jose, Tarlac sa kasalukuyang nakikinabang at ipinagmamalaki ang matagumpay na resulta ng implementasyon ng NTF-ELCAC ng pamahalaan.

Bunga nito unti-unting pagkawala ng miyembro ng mga komunista sa kanilang area of responsibility dahil sa nasabing anti insurgency program ng gobyerno.

“Napaka-effective ‘nung ginagawa ng NTF-ELCAC, binibigyan natin sila ng pagkakataon hindi lamang tayo, sa sundalo, kapulisan, ‘yun nga ‘yung whole-of-government approach, whole-of-nation approach, na pag nag-surrender sila, maraming mga benepisyo ang nakaabang para sa kanila para sila ay makabalik sa normal nilang pamumuhay. Ano pa ang kanilang hinihiling? ‘Yun ‘yung tunay na kapayapaan, ‘yun ‘yung dapat pag-usapan. Mag-uusap tayo para at alang-alang sa kapayapaan, pag-surrender nila dapat ‘yung dapat pag-usapan natin, ‘yung pagbaba nila. ‘Yun ‘yung tunay na kapayapaan. ‘Yun sana ‘yung peace talks,” ayon pa kay Tungpalan.

Sa panayam kay Pastor Apollo C. Quiboloy, honorary chairman ng SMNI News, isa lang din ang nais nitong ipakahulugan sa tunay aniya na peace talks, ang pagsuko ng mga komunistang kilusan sa poder ng pamahalaan.

Giit ni Pastor Apollo, isang malaking panlilinlang lang ng CPP-NPA ang panawagang peace talks sapagkat hindi marunong ang mga ito na sumunod sa kasunduan bagkus ginagamit itong alibi para muling magpalakas ng kanilang puwersa.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon