Pagsasaayos sa mga paaralan, target matapos ng DPWH bago ang pagbukas ng klase sa Agosto 22

TARGET ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na matapos ang pagsasaayos ng mga paaralan na napinsala ng mga bagyo at iba pang kalamidad bago ang pagbubukas ng klase sa Agosto 22, 2022.

Sa isang panayam, sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na inatasan siya ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na bilisan ang pagpatatayo ng mga school building sa isinagawang Cabinet meeting.

Ani Bonoan, target nilang magtayo ng modular type school building para mapabilis ang pagtatayo ng mga gusali sa typhoon prone areas sa susunod na taon.

Ang modular-type building aniya ay mga prefabricated na gusali na kailangan lamang i-assemble gamit ang steel type frame materials.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo