Pagbubukas ng klase, dapat nang paghandaan ng mga school service – commuters group

DAPAT nang paghandaan ng mga school service ang nalalapit na pagbubukas ng klase.
Ito ang inapela ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at sa mga local na pamahalaan.
Kasunod ito sa desisyon ng Department of Education (DepEd) na muling bubuksan ang klase sa Agosto 22 sa elementarya, junior high school at senior high school.
Nakiusap din ang LCSP sa mga lokal na pamahalaan na pulungin ang mga tricycle at school service sa kanilang sakop na paghandaan ang pasukan.
Pinatitiyak ni LCSP President Atty. Ariel Inton sa LTFRB na dapat nasa maayos at ligtas na kondisyon ang lahat ng mga school service para sa seguridad ng mga mag-aaral.
Dapat din aniyang bantayan ang mga ito upang hindi magsakay sa lampas na sitting capacity.
Comments
Post a Comment