Mindanao, ‘food basket’ ng bansa kaya dapat naroon ang main office ng DA at DENR – Cong. Rodriguez

IPINANUKALA ni Cagayan de Oro 2nd. District Representative Rufus Rodriguez na ilipat sa Mindanao ang main office ng Department of the Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Agriculture (DA).

Sa panayam ng SMNI News, sinabi ni Cong. Rodriguez na ang Mindanao ay ang ‘food basket’ ng bansa.

Dagdag pa ni Rodriguez, kalimitan ng mga opisina ng gobyerno ay nasa Metro Manila kaya dapat ilipat ito sa mga lugar kung saan ito nararapat.

Saad pa ni Rodriguez, dapat ilagay sa Mindanao ang DENR office dahil naroroon ang natural resources ng bansa at dapat alagaan ang kapaligiran sa pamamagitan ng paglaban sa mga open pit mining.

Ani Rodriguez, suportado niya ang pagbabawal ng open pit mining ng dating administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Naniniwala rin si Rodriguez na mas mainam na taga-Mindanao ang kunin ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na kalihim ng dalawang nabanggit na ahensya ng gobyerno.

Paliwanag naman ni Cong. Rodriguez na hindi malaki ang gagastusin ng gobyerno sa paglipat ng dalawang ahensya roon sapagkat mga gusali lamang ang itatayo at doon na puedeng kumuha ng trabahante.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon