Malaysia at Thailand, palalakasin ang border securities

PALALAKASIN ng Malaysia at Thailand ang seguridad sa mga border at socio-economic development ng lokal na populasyon.

Ayon kay Army Chief General Tan Sri Zamrose Mohd Zain, ang pagpabubuti ng socio-economy ng mga residente sa mga border ay upang magsumikap ang hukbong Malaysian at Thai.

Si Gen. Zamrose ay kasalukuyang nasa 5-day working visit sa Thailand.

Ang pagbisita ay naglalayong palakasin ang diplomasya ng depensa sa pagitan ng Malaysia at Thailand.

Bukod pa rito, inihayag ni Zamrose na magtatatag ang Malaysia ng dalawa pang checkpoint, sa ika-34 at 36 na milya ng border sa pagitan ng Malaysia at Thailand sa Bukit Kayu Hitam sa Kedah.

Ito ay upang mapanatili ang pambansang seguridad at maiwasan ang mga criminal activities sa cross-border.

Samantala, magtatayo rin ng dalawang post ang Thailand bilang bahagi ng kanilang pakikipagtulungan sa Malaysia.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon