Iba’t ibang grupo, nagprotesta sa Camp Aguinaldo

KINALAMPAG ng iba’t ibang grupo ang Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Ito ay para ipanawagan ang pagpapalaya sa apat na aktibista na hinuli umano ng mga awtoridad.

Kabilang dito sina Elizabeth “Loi” Magbanua at Alipio “Ador” Juat na huling nakita noong Mayo 3 sa Valenzuela City.

Gayundin sina Elgene Mungcal at Ma. Elena “Cha” Cortez Pampoza na huling nakita sa Tarlac noong Hulyo 3.

Iginiit ng mga raliyista, walang malinaw na kaso ang apat kaya’t maituturing na paglabag sa kanilang karapatan ang ginawang pag-aresto.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo