Chairmanship sa Senate Blue Ribbon Committee, kailangan pang ihalal – Sen. Tolentino

WALANG kakulangan si Senator Alan Peter Cayetano kung siya man ang mahalal bilang Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.
Subalit ibinahagi ni Sen. Francis Tolentino sa panayam ng SMNI News, desisyon ng mayorya nila sa Senado ang magluluklok ng sinuman bilang Chairman ng Blue Ribbon.
Aniya, kailangan pang ihalal ang sinumang mamumuno dito at hindi lang basta-basta itinatalaga.
Si Sen. Tolentino ang napipisil na magiging susunod na Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.
Kung matatandaan sinabi ni Sen. Alan Cayetano na kanyang hiniling kay Senate President Pro Tempore Migz Zubiri na maging Chairman ng Senate Blue Ribbon bilang kapalit sa kanyang membership sa majority bloc.
Comments
Post a Comment