10-point agenda para sa DND, inilatag ng Defense OIC

INILATAG ni Defense OIC Undersecretary Jose Faustino Jr. ang kanyang 10-point agenda para sa Department of National Defense (DND).

Ito ay kasunod ng pangako ng administrasyong Marcos ng isang mas malakas at mas mabuting Pilipinas.

Kabilang dito ang pagsisikap na protektahan ang teritoryo ng Pilipinas alinsunod sa 2016 Award sa South China Sea Arbitration; whole-of-government at whole-of-nation approaches sa pamamagitan ng NTF-ELCAC at peace building lalo na sa Mindanao at Bangsamoro; Disaster Resilience at Climate Change Adaptation sa pamamagitan ng pagsuporta sa paglikha ng isang Department of Disaster Resilience (DDR).

Gayundin ang pagtataguyod ng mga hakbang at inisyatiba na tutugon sa mga umuusbong at dumaraming cyber threats; revised AFP Modernization Program (RAFPMP);  pag-aaral, pag-unawa at proteksyon ng cognitive domain ng bansa; international defense and security engagements na naaayon sa direktiba ng Pangulo at interes ng bansa.

Binigyang diin ni Faustino ang pagpapalakas ng reserve force bilang force multipliers upang matugunan ang iba’t ibang hamon sa seguridad; pagtiyak sa kapakanan ng mga sundalo, beterano at sibilyan; legal at legislative agendas na makatutulong sa kapayapaan at seguridad ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon