Publiko hindi dapat magpanic kasunod ng pagtaas ng COVID-19 cases – Infectious Diseases Expert

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) sa huling update nitong Lunes ng 1,057 na daily average ng kaso ng COVID-19 mula Hunyo 27-Hulyo 3.

Ito ay katumbas ng 60 porsiyento na pagtaas ng kaso mula noong nakaraang linggo.

Sa Weekly Bulletin naman ng ahensiya, nakapagtala ito ng mahigit 7K na bagong kaso ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Ed Salvana, Infectious Diseases Expert, hindi pa rin dapat magpanic ang publiko sa kabila ng mga panibagong pagtaas ng COVID-19 cases.

Sa kabila raw kasi ng pagdami ng kaso ay hindi naman dumami ang kinapitan ng severe condition o malalang sakit.

Dahil diyan, kumpiyansa ang eksperto na hindi magkakaroon ng pagbabago o pag-akyat ng alert level at pagkakaroon ng paghihigpit sa restrictions.

Ang kailangan lang daw ngayon ay ang tuloy-tuloy na pag iingat at pagsunod sa minimum health standard  at pagbabakuna para hindi na tumaas pa ang bilang ng tinatamaan ng sakit.

Kaya aniya ang pagpapatupad ng optional facemask policy ay hindi pa napapanahon.

Samantala, para patuloy na maprotektahan din ang mga bata mula sa COVID-19 ay pinayagan na ang mga bata na may edad 12-17 na magpa-booster shot.

Ito ang naging anunsyo ng ahensiya sa mga social media account nito ngayong araw.

Matatandaan na pansamantalang ipinagpaliban ito noong nakaraang linggo dahil sa glitch.

Ayon kay DOH Usec. Rosario Vergerie, maaari nang gawin ng mga LGU ang bakunahan ng booster shot sa general population ng mga bata na may edad 12-17 basta handa na ang mga ito.

“It was stated in our guidelines that all LGUs/vaccination sites who are ready to implement –trained HCWs, with appropriate vaccines etc—can already implement,” ani Vergerie.

Samantala, maliban sa COVID-19, kailangan din aniyang pagtuunan ng pansin ang sakit na dengue.

Nitong Lunes batay sa bagong ulat ng DOH pumalo na sa 51, 622 ang kaso ng dengue sa buong Pilipinas mula Enero 1Hunyo 18 ng kasalukuyang taon.

Ito ay 58 porsiyento na mas mataas kesa sa magkatulad na period noong 2021.

 

BASAHIN: Positivity rate ng COVID-19 sa ilang rehiyon sa bansa, tumaas

 

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon