NCRPO, nagpasalamat sa Marcos admin sa suporta nito sa NTF-ELCAC

NAGPASALAMAT ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa suporta ng pamahalaang Marcos sa pagpapatuloy ng programang NTF-ELCAC ng pamahalaan.

Ikinatuwa ng PNP ang tugon ng bagong administrasyon kaugnay sa pagpapatuloy ng isa sa mga flagship program ng nakaraang gobyerno, ang anti-insurgency campaign nito sa ilalim ng National Task Force-ELCAC.

Magandang balita po iyan ano, at kami po ay natutuwa dahil magtutuloy-tuloy po ang ginagawa natin sa kapulisan, kasama ang mamamayan para sa kapayapaan ng ating bayan,” pahayag ni PCol. Romy Plague, Chief, Regional Community Affairs and Dev. Division, NCRPO.

Giit ng PNP, malaking bagay ang pabor na ibinigay ng administrasyong Marcos sa magandang programang pangkapayapaan na ito para sa kabawasan at patuloy na pagbaba ng bilang ng mga komunistang kilusan na CPP-NPA-NDF sa bansa.

“Nakikita naman natin na wala silang ginagawa na para sa kapayapaan, or puro na lang sigaw, or puro na lang karahasan, paano magdudulot ng kapayapaan? So, with this NTF-ELCAC, at itutuloy na nga ng bagong administrasyon ay maganda pong balita iyan para ma-attain natin iyong totoong kapayapaan na lahat naman ng mamamayan ay iyan naman ang inaasam-asam,” ani Plague.

Mula dito, nangako ang PNP na mas lalo pa nilang pagbubutihan ang kanilang kampanya ngayong nabatid nila na nasa likod nila ang pamahalaan upang puksain ang CPP-NPA sa pamamagitan ng mga programa para sa mga biktima ng makakaliwang pananaw.

“Totoo po iyan nakakainspire po iyan. Totoo po ang sinasabi niyo, na isa po iyan na pwedeng panghugutan ng inspirasyon ng ating mga kapulisan, kahit sa mga kasundaluhan at lahat ng government agencies na kasama po dito sa, actually kahit nga iyong mga mamamayan eh, whole of the nation approach nga naman itong NTF-ELCAC natin,” ayon kay Plague.

Bukod sa PNP, nagpaabot din ng kanilang pagbati sa mga Marcos ang anti-communist group na League of Parents of the Philippines matapos mabatid ang suporta nito sa anti-insurgency program ng pamahalaan.

“Ang sa atin diyan may pinaghirapan natin iyan sa term ni Presidente (Rodrigo Duterte) kaya maganda naman ang resulta at maraming mga nag-surrender na at medyo na-minimize na natin ang mga recruitment sa eskwelahan. Ngayon, narinig ko at nabasa na ipagpatuloy nila ang NTF-ELCAC kaya napakalaking bagay po iyan na ituloy-tuloy ang mga programa ng NTF-ELCAC para matapos na at mawakasan na talaga itong mga komunistang CPP-NPA-NDF,” pahayag ni Remy Rosadio, President, League of Parents of the Philippines.

Pero may hirit lang ang nasabing grupo sa Marcos administration kung saan hinimok nito na silipin at pag-aralan ang orihinal na pondo ng NTF-ELCAC.

Giit ng grupo, malaki anila ang nawalang pondo para sa malawakang rehabilitasyon sa mga barangay na lubos na nangangailangan ng mapagkukunan ng hanapbuhay, edukasyon, maayos na tirahan at access sa kalusugan.

Matatandaang, mula sa P28 bilyong pondo, ay nauwi na lamang ito sa P17 bilyon matapos na ito’y tapyasan ng ilang senador noong nakaraang administrasyon.

Sana tingnan ng Marcos administration iyan, dahil paano gagalaw ang mga program ng NTF-ELCAC kung iniipit naman ng Senate ang budget ng NTF-ELCAC. Kailangan natin ng full support ng present administration Bongbong Marcos para tuluyan na natin itong mabago at mawala na ang paghahasik ng lagim ng CPP-NPA-NDF at matulungan naman ang mga nasa remote areas na mga barangay na infested ng NPA. Sana po ibalik nila ang budget ng NTF-ELCAC, gaya noong panahon ni dating President Rodrigo Duterte na full support siya sa NTF-ELCAC para tuluyan nang matapos ang paghahasik ng lagim ng mga tauhan ni Joma Sison,” ayon kay Rosadio.

Naniniwala ang nasabing anti-communist group na hindi ito isasantabi ng Marcos administration ang kanilang munting kahilingan gayong nakita na anila ng buong bansa ang malaling epekto nito sa mga benepisyaryo na ngayo’y malaya na mula sa kamay ng komunistang kilusan na CPP-NPA-NDF.

 

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon