Mga Pilipino sa Amerika, saludo sa nagawa ni PRRD at suportado ang PBBM admin

SINAKSIHAN ng buong mundo ang inagurasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasabay ang mapayapang pagbaba sa pwesto ng pinakatanyag na Presidente ng Pilipinas na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kamakailan.
Sinabi ni Atty. Arnedo S. Valero, isang Immigration lawyer na nakabase sa Washington DC, maraming mga kababayan natin ang emosyonal sa pagtatapos ng termino ni dating President Duterte.
Ginunita niya rin ang mga panahon na nagkita sila at isa siya sa sumuporta sa pagtakbo nito sa pagkapangulo.
“Naalala ko nung nameet ko, na ayaw nyang kumandidato… nagtaas ng kamay nya,” ayon kay Atty. Arnedo S. Valero, US Immigration lawyer.
Bilang isang abogado, napahanga siya sa drug war na inilunsad ng gobyerno na humugis sa kaligtasan at kaayusan ng mga barangay at pamayanan sa Pilipinas.
“Ito lang yung kauna-unahang pagkakataon na nagfocus ang gobyerno sa drug war,” dagdag pa ni Valero.
Aniya, mapalad ang bagong administrasyon sa pagbabagong nagawa ng dating pangulo at nakikita niya ang mas maliwanag na hinaharap ng bansa sa pamumuno ni Presidenteng Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at VP Sara Duterte.
“Maswerte ang susunod nating pangulo, PBBM at VPSD,” ani Valero.
Para naman sa mga kababayan natin sa Amerika, nakita raw nila ang pagmamalasakit ng gobyerno sa mga OFWs, dahil sa kapayapaan na kanilang nasaksihan sa kanilang mga pinanggalingang siyudad at probinsya sa Pilipinas.
Umaasa siya, kabilang ang libo-libong Pilipino sa Amerika na maipagpatuloy ang nagawa ni dating Pangulong Duterte at mas mapaunlad pa sa susunod na 6 na taon.
Comments
Post a Comment