Korte Suprema sa Amerika, pinayagan ang mga guro na magdasal sa mga pampublikong paaralan

NAGPASYA kamakailan ang Korte Suprema ng Estados Unidos na tanggalin ang restriksyon sa mga guro at empleyado ng pampublikong paaralan na manalangin nang malakas at malapit sa mga estudyante, na mariing pinagbabawal noon.

Noong 2015, isang dating football coach ang tinanggal sa trabaho pagkatapos itong magdasal sa playing field ng paaralan habang pinapalibutan ng kanyang mga estudyante.

Ngunit kamakailan, pinanigan siya ng Korte Suprema sa Amerika kasabay ang pagbigay ng karapatan sa mga guro na manalangin kahit pa nasa paaralan.

Taong 2015, nang sinuspinde ng paaralan ang football coach ng Bremerton High School, na si Joe Kennedy, dahil sa pagdadasal nito pagkatapos ng laro ng kanyang team habang nasa playing field.

Ngunit ngayon, pinagtibay na ang kaso ng karapatan ng mga empleyado sa pampublikong paaralan na manalangin nang malakas habang nagtatrabaho sa paaralan, kahit pa napapaligiran sila ng kanilang mga estudyante o mga manlalaro.

Ang pagdadasal ni Joe Kennedy ay isa na ngayong pangunahing pagsubok ng first amendment, na nagbabawal sa malayang pagpapakita at paggalang sa relihiyon ng isang mamamayan.

Ang Korte Suprema na pinangangasiwaan ni Justice Neil Gorsuch ang nag-akda ng 6-3 na desisyon para sa konserbatibong mayorya.

Tutol naman dito si Justice Sonia Sotomayor, sinamahan ni Justices Stephen Breyer at Elena Kagan.

Ang desisyon ng korte sa Kennedy vs Bremerton School District ay itinuturing na isang tagumpay para sa dating coach.

Sinabi niya na ang kaniyang panalangin ay maikli lang, mula sa isang pribadong indibidwal na may pananampalataya, na ikinagalit ng distrito ng paaralan dahil ito raw ay lumalabag sa mga pagbabawal ng konstitusyon laban sa pagtataguyod ng relihiyon sa eskwelahan.

Sa maraming deliberasyon, pumanig ang Mababang Korte sa distrito ng paaralan, ngunit ito ay bumaligtad nang panigan ng Korte Suprema si Kennedy.

Sa desisyong ito, mas pinalalawig ang mga pananaw at kakayahan na maihayag sa publiko ang pananampalataya ng mga empleyado ng gobyerno sa buong bansa kahit sila ay nasa kanilang mga trabaho.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon