Ilang transport at agricultural groups, kontento sa plano ni PBBM sa pagbangon ng bansa

IKINALULUGOD ng ilang transport at agricultural groups ang naging talumpati ni PBBM kahapon sa kanyang inagurasyon sa National Museum.

Kung saan, isa-isa nitong inilahad ang kanyang magagandang plataporma at solusyon sa problemang kinahaharap ng iba’t ibang sektor ng ating bansa.

Inihayag naman ni Orlando Marquez, National President ng Liga ng Transportasyon at Operator na kunteno siya sa pahayag ng Pangulo na layong solusyunan ang problema ng kanilang sector lalo’t posibleng mayroon na namang nakaambang taas-presyo sa gasolina.

“Kami po doon sa pananaw namin at napakinggan namin ang speech ng ating kagalang-galang na Pangulo ng Republika ng Pilipinas, kuntento kami kaya’t kami po nanawagan sa lahat ng sumama ang loob ay sana iisa lang dapat na kilalanin na Pangulo ng Republika ng Pilipinas dahil lahat tayo ay maliwanag yung sinabi niya na problema niyo, problema ko. So, apat na beses niyang sinabi iyan na marami yung kanyang patutunguhan. Kaya’t pakiusap at panawagan namin na kagaya rin sa amin sa public transport na kung kami man po ay nagkahiwalay-hiwalay noong nakaraang eleksyon sana naman sa panahon na ito ay magkaisa kami para tulungan natin ang ating Pangulo Bongbong Marcos,” pahayag ni Marquez.

Kasabay nito, may panawagan din si Marquez sa bagong uupong chairman ng LTFRB na tutukan at gawin nito na magkaroon ng tamang konsultasyon sa mga sekta ng nasasakupan gaya ng ginawa ni PBBM sa bawat sektor.

Nagpahayag din ng kasiyahan si Congressman Nicanor Briones ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines Incorporated (AGAP), sapagka’t binabago ni PBBM ang polisiya ng gobyerno sa pag-aangkat ng agricultural products.

“Natutuwa kami sapagkat binabago na niya ang polisiya ng government kasi nung ating previous administration ay kanila ay import liberalization ang kanila ay food sufficiency na galing sa import na produktong agrikultura, kay PBBM na-realized niya na napaka-importante na mayroon tayong sapat na pagkain o food sufficiency na nanggaling sa production ng magsasakang Pilipino,” ani Briones.

Sinabi pa ni Briones, malaki ang mangyayaring pagkakaiba lalo’t si PBBM ang pansamantalang hahawak sa Department of Agriculture.

Kung saan, may kasiguruhan na mayroong sapat na pondo ang sektor ng agrikultura, malilimitahan ang importasyon at mapipigilan ang pagpasok ng mga smuggled agricultural products.

“So, napakamalaking pagkakaiba at natutuwa kami at bukod sa kanyang policy na gagawin ay siya pa mismo ang mamumuno sa Department of Agriculture. So, una mabilis ang action kaya niyang maglagay ng budget na kailangan ng sector, puwede niya kaming proteksyunan laban sa smuggling, sapagka’t natatakot ang smuggler dahil ang kanilang sisirain ay ang administrasyong ng Department of Agriculture na ang presidente ang may hawak at ‘yung importation sigurado malilimitahan sapagkat hindi na nila kayang alukin ng kita katulad nung sinasabi na malaki ang kinikita sa importation ng agricultural products,” ayon kay Briones.

Giit nito, kontento ito sa talumpati ng ika-17 Pangulo sapagkat naibalik nito ang tiwala at pag-asa ng mga magsasaka at mangingisda sa bansa.

Habang ang Samahan ng Industriya (SINAG) ay ikinabilib din ang nakikitang solusyon ni PBBM para sa kanilang sektor.

Sinabi ni SINAG Chairman Rosend So na ang pagtututok sa kapakanan ng lokal na produksyon ng mga mangingisda at magsasaka ay prayoridad ng Marcos administration.

“Bali, ang ano lang yan is ang dapat local production ang tutukan at livelihood. Hindi dahil doon sa free trade na inalok ng iba dapat i-accept na natin, yung tariff na commitment sa other countries, dapat tingnan yung situation sa ating bansa na yung competition kasi with other countries iniisip kaagad is kung mababa yung presyo ng other countries ay dapat sumabay na tayo tingnan din natin yung livelihood ng ating local investment,” ani So.

Sinabi pa nito, tamang pagbabalanse ang kailangan sa pag-angkat ng mga produktong pang-agrikultura.

“Yes, balance ang tingnan nang mabuti yung alok ng other countries na free trade na makakabuti sa atin o makakasama, kasi alam natin na nag-import tayo kesa sa export,” ayon pa ni So.

 

Follow SMNI News on Twitter

 

 

 


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon