Ebidensya sa ugnayan ng Kabataan Party-list sa rebeldeng kilusan, ibinulgar

IBINULGAR ng grupong Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDT) ang tunay na ugnayan o relasyon ng Kabataan Party-list sa rebeldeng kilusan.
Sa programang Laban Kasama ang Bayan ng SMNI, inihayag ni KKDT head Franz Arabia na hindi totoo ang sinasabi ni Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel na walang silbi at dapat nang buwagin ang programa ng NTF-ELCAC – ang Anti-Insurgency Task Force ng gobyerno.
Ito’y matapos ihayag ng NTF-ELCAC ang ugnayan ng Kabataan Partylist at ng iba pang organisasyon sa ilalim ng Makabayan Bloc ng Senado o ang tinatawag ngayon na KABAG Party-lists sa teroristang CPP-NPA-NDF.
Partikular na tinukoy ni Arabia ang pagkakarekober kamakailan lang sa Zambales at Pampanga ng mga ebidensyang magtuturo sa tunay na kaugnayan ng Kabataan Partylist sa New People’s Army.
“Hindi po totoo na walang ginawa ang NTF-ELCAC, pero totoo na kamakailan noong nakaraang araw sa bayan ng Batolan Zambales, sa Florida Pampanga ay may na recover na gamit pang digmaan gamit pang-armas na kung saan may reversible document din ang Kabataan Partylist, kaakibat ng mga nakalubog at mga nahukay na mga granada at baril ay yung mga tarpaulins, IDs ng mga estudyante na galing sa PUP Sta. Mesa at ito po ay na-recover ng Armed Forces, ng PNP both in Florida Blanca and in Batolan,” pahayag ni Arabia.
“So, paano yung sinasabi ni Cong. Raoul na hindi sila kaakibat ng NPA, paano yung sinasabi ni Cong. Raoul na wala silang kinamalayan sa insurgency or tunay lamang na nagbubulag-bulagan lamang siya para makinabang na naman sa pondo ng pamahalaan,” dagdag nito.
Binigyang-diin pa ni Arabia na gusto lamang pagtakpan ni Manuel ang pakikipagsabwatan ng kanilang party-list sa teroristang komunistang CPP-NPA-NDF.
“Hindi totoo ang pronouncement na kinakailangan nang buwagin ang NTF-ELCAC, itong pronouncement ni Cong. Raoul ay tanging gusto lamang bigyan ng kasinungalingan ang mga mamamayang Pilipino at pagtakpan na namang muli ang kanilang conspiracy at kanilang kolektiba sa CPP-NPA-NDF,” ayon pa kay Arabia.
Binigyang-linaw rin ni Arabia na nirerespeto niya si Manuel ngunit ang kanyang pagbubulgar sa masamang impluwensya nito sa mga kabataan ay bilang bahagi ng pagbibigay hustisya sa mga kabataang nasawi matapos ma-recruit ng partylist nito.
“Hindi ko tinitira personally si Cong. Raoul, nirerespeto natin siya bilang siya po ay inihalal ng bayan pero ang kinukwestyon at ang tinitindigan natin dito ay ang patuloy na broad tactical alliance ng Kabataan Party-list sa mga student leaders sa iba’t ibang panig ng paaralan sa Central Luzon, sa iba’t ibang panig ng bansa at nais nating bigyan ng hustisya yung mga kabataan na namatay dahil na recruit sa pamamagitan ng Kabataan Party-list,” dagdag ni Arabia.
Comments
Post a Comment