Bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Tokyo, dumoble

KINUMPIRMA ng Tokyo ang mahigit limang libong mga bagong kaso ng COVID-19 noong Hulyo 5 na higit doble ang itinaas kumpara noong nakaraang linggo.

Umabot sa kabuuang 36,189 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa kung saan higit sa 80 porsiyento ang itinaas mula noong nakaraang linggo.

Matatandaan na noong Hunyo 30 itinaas ng lokal na pamahalaan ng Tokyo ang COVID-19 alert level sa ikalawang pinakamataas na antas sa four level scale nito.

Samantala, ang Osaka at Aichi Prefecture naman ay nakitaan din ng pagtaas ng impeksyon at nag-ulat ng mahigit 4k na mga kaso noong Martes na humigit-kumulang doble sa bilang noong nakaraang linggo habang sa Aichi naman ay umakyat sa 80 porsyento ang itinaas ng bilang ng mga bagong kaso.

 

Follow SMNI News on Twitter 


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon