Ben&Ben, sinuspinde ang kanilang Isabela show; 2 pang miyembro, positibo sa COVID-19

SINUSPINDE ng Filipino pop band na Ben&Ben ang kanilang July 2 Isabela show kasunod ng pagpositibo sa COVID-19 ng dalawa pa nitong miyembro.

Inanunsyo ito ng grupo sa kanilang Twitter page kahapon, June 29.

Si lead singer Paolo Benjamin Guico at percussionist-vocalist Toni Munoz ang latest na nahawaan ng COVID-19 sa pop band.

Nauna nang inanunsyo ng grupo na hindi matuloy ang kanilang June 26 Surigao show dahil nagpositibo rin sa COVID-19 ang twin brother ni Paolo na si Miguel Benjamin Guico.

Tiniyak naman ng Ben&Ben na hindi malala ang kondisyon ng mga nagkasakit na miyembro.

Sa September ngayong taon ay magsasagawa ng concert ang Ben&Ben sa CCP Open Grounds bago ito tutungo sa Estados Unidos at Canada para sa isang tour.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo