Australia, nilinaw na hindi gagawa ng nuclear weapons ang AUKUS

INIHAYAG ni Australian Foreign Minister Penny Wong na walang usapan na gagawa ng nuclear weapons ang security pact ng Australia sa UK at U.S.A. (AUKUS).
Ayon kay Wong, hindi nuclear power ang Australia kahit na ang karamihan ng nuclear powers ay nakapalibot sa rehiyon na kinabibilangan nito.
Ito ay inihayag ni Wong sa isang news conference matapos ang kanyang pakikipagpulong sa kanyang Malaysian counterpart na si Saifuddin Abdullah.
Matatandaan na sa ilalim ng AUKUS Agreement, ang Australia ay maaaring bumili ng nuclear powered submarines.
Ilang bansa sa South East Asia kabilang ang Malaysia ay nagpahayag naman ng pangamba na posibleng magdulot ng tensyon ang kasunduang ito ng AUKUS.
Comments
Post a Comment