Airline sa Thailand, magkakaroon ng direktang flight sa China

MAGLULUNSAD ang AirAsia Thailand ng mga direktang flight sa China at Hong Kong kung saan mahigpit na ipatutupad ang mga patakaran sa paglalakbay.

Magsisimula ang Hong Kong-Bangkok Don Mueang ng lingguhang flight simula sa Agosto 7.

Samantala, itataas ang lingguhang flight sa 2-3 beses sa Setyembre at Oktubre 2022.

Mula sa Bangkok, maaaring kumonekta ang mga manlalakbay sa lahat ng rehiyon sa pamamagitan ng malawak na domestic network ng AirAsia sa Thailand, kabilang ang Phuket, Chiang Mai, Krabi at marami pang iba.

Ang pilot roundtrip flight sa pagitan ng Guangzhou at Bangkok Don Mueang ay ilulunsad din ngayong Hulyo 13 kung saan ang mga ticket sa Thailand ay available na sa AirAsia Super App.

Isinasagawa ang flight upang ipakita ang kahandaan ng carrier na maghahatid ng mga ruta papunta at mula sa China sa sandaling ipahayag ng gobyerno ang opisyal na muling pagbubukas ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon