Presyo ng mga puting sibuyas, pumalo na sa P400 kada kilo

PUMALO na sa P400 kada kilo ang presyo ng puting sibuyas.
Batay sa pinakahuling monitoring Department of Agriculture (DA), nasa P270-P400 ang presyo ng isang kilo ng puting sibuyas sa iba’t ibang pamilihan sa Metro Manila.
Sinabi ni Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista na maraming magsasaka ang mas gustong magtanim ng pulang sibuyas, na nagreresulta sa limitadong suplay ng puting sibuyas.
Samantala nakikipag-ugnayan na ang DA sa mga nagtatanim ng sibuyas upang hikayatin silang magtanim ng puting sibuyas.
Samantala, tiwala naman ang presidente ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na si Rosendo So na makokontrol ng administrasyong Marcos ang presyo ng mga bilihin lalo na ang pagkain.
Comments
Post a Comment