Mga opisyal ng iba’t ibang sangay ng DOTr, pinangalanan na ni PBBM

PINANGALANAN na ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang mga itinalaga niyang lider sa ilang sangay na ahensiya ng Department of Transportation (DOTr).
Nasa anim na mga opisyal ang itinalaga ng Punong Ehekutibo para pamunuan ang limang attached agencies ng DOTr.
Kabilang sina Cesar Chiong bilang Acting General Manager ng Manila International Airport Authority at Edgardo Diaz bilang Deputy Director General for Operations.
Bilang Deputy Director General for Administration and Finance ng Civil Aviation Authority of the Philippines naman si Manuel Antonio Tamayo.
Executive Director ng Civil Aeronautics Board naman si Carmelo Arcilla at Maria Ranada Aplasca bilang bagong Administrator ng Office for Transportation Security.
Kabilang din sa itinalaga ng Pangulo si Hernani Nieves Fabia bilang bagong Administrator ng Maritime Industry Authority.
6 Officials to head several attached agencies of DOTr
- Cesar Chiong – MIAA Acting General Manager
- Edgardo Diaz – CAAP Deputy Director General for Operations
- Manuel Antonio Tamayo- CAAP Deputy Director General for Administration and Finance
- Carmelo Arcilla- CAB Executive Director
- Maria Ranada Aplasca- OTS Administrator
- Hernani Nieves Fabia- MARINA Administrator
Araw ng Miyerkules nang manumpa sa harap ni DOTr Secretary Jaime Bautista ang mga bagong opisyal ng iba’t ibang sangay ng ahensiya.
Mababatid na sa isang appointment letter na nilagdaan ni Executive Secretary Victor D. Rodriguez, pinangalanan ni Pangulong Marcos ang mga nabanggit na mga opisyal.
Matatandaan, Hunyo 30 naman nang maupo bilang bagong kalihim si Jaime Bautista sa Department of Transportation.
Kung saan, si Bautista ay dating Presidente ng Philippine Airlines at napiling pangasiwaan ang Transportation sector.
Nangako naman si Bautista na sa kanyang anim na taong pag-upo bilang kalihim ng DOTr na sisiguraduhin niyang maitataas ang antas ng public transport ng bansa.
Comments
Post a Comment