Cong. Sandro Marcos, suportado ang pagpapaliban ng barangay at SK election sa Disyembre

SUPORTADO ni Ilocos Norte 1st District Congressman Sandro Marcos ang pagpapaliban ng barangay at Sanggunian Kabataan (SK) election ngayong Disyembre 5.
Ayon sa nakababatang Marcos, mas mainam kung maipagpapaliban muna ito ng isang taon.
Samantala, ngayong araw o bukas ay muling maghahain ng karagdagang tatlo hanggang apat na panukalang batas ang batang kongresista.
Matatandaan na sa unang araw ng kanyang pag-upo bilang kinatawan ng unang distrito ng Ilocos Norte, 10 panukalang batas agad ang kanyang inihain.
Bagaman malaki ang inaasahan ng taumbayan sa kanya bilang isang baguhang kongresista at anak ng Pangulo, ini-enjoy niya ang pagiging mambabatas.
Aniya, isa sa mga ipinayo sa kanya ng kanyang amang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ay dumikit o maging malapit sa mga batikang mambabatas upang maging maalam sa paglikha ng mga batas na makakabenepisyo sa sambayanang Pilipino.
Comments
Post a Comment