NASA, naglunsad ng rocket sa isang space center sa Australia

MATAGUMPAY na naglunsad ng rocket mula sa Northern Territory ng Australia ang NASA.

Ito ang kauna-unahang commercial space launch sa kasaysayan ng Australia.

Kahapon nang madaling araw ay inilunsad ang una sa tatlong rocket mula sa Arnhem Space Center sa Dhupurma Plateau malapit sa Nhulunbuy.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naglunsad ang space agency ng rocket mula sa commercial spaceport sa labas ng Estados Unidos.

Ang rocket na inilunsad ay may dalang x-ray quantum calorimeter na tutulong sa mga scientist ng University of Michigan na sukatin ang interstellar x-rays.

Samantala, aabot sa 75 NASA personnel naman ang nasa Arnhem Land para sa nasabing paglulunsad.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon