Kalayaan College, inanunsyo na ang kanilang pagsasara

INANUNSYO na ng Kalayaan College (KC) ang kanilang pagsasara matapos ang 22 taon na pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa publiko.

Ito ay bunsod ng nararanasan nilang “financial losses” o pagkalugi dala ng bumababang bilang ng mga estudyante at mga hamon na hatid ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Sa isang pahayag, sinabi ng pamunuan ng paaralan na napagdesisyunan ito ng kanilang stockholders at naiparating na rin ito sa Commission on Education (CHED).

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamunuan ng paaralan sa kanilang faculty at staff sa kanilang serbisyo at sa mga mag-aaral at magulang na nagtiwala sa Kalayaan College.

Gayunman, nilinaw ng paaralan na magbibigay pa rin ito ng limitadong kurso sa kanilang transition period at magsisimula ang pasukan sa ikalawang linggo ng Agosto.

Ang Kalayaan College ay itinatag ng mga propesor ng University of the Philippines.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon