Headline inflation sa bansa, bumilis sa 6.1% nitong Hunyo

BUMILIS sa antas na 6.1 percent ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa nitong June 2022.

Ito ay mas mataas sa 5.4 percent na naitala ang inflation noong May 2022.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang average inflation mula January 2022-June 2022 ay nasa antas na 4.4%.

Sinabi ng PSA na ang dahilan ng mas mataas na antas ng inflation noong nakaraang buwan ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyong food and non-alcoholic beverages.

Ito ay may 6.0% inflation at 58.3% share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa bansa.

Maliban dito, nagpakita rin ng mas mataas na inflation nitong Hunyo ang transport at ang alcoholic beverages and tobacco.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon