Pasasalamat, pagdiriwang, pagkakaisa handog ng UK DDS at UK UniTeam
MAGKASUNOD na naggawad ng selebrasyon ang UK DDS o Diehard Duterte Supportes ng London United Kingdom bilang pasasalamat para kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at pagdiriwang naman sa nalalapit na inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na handog ng UK UniTeam. Engrande kung maituturing ang ginawang selebrasyon para sa advanced inauguration party ng magiging bagong pangulo ng Pilipinas sa Hunyo 30 na dinaluhan ng mga kababayang Pinoy sa London United Kingdom. Ang advanced inauguration party ay ginanap nitong Sabado, Hunyo 25 na pinangunahan ng UK UniTeam officials. Ginanap ang pagdiriwang sa The Millenium Hotel, Gloucester Road sa Central London na dinaluhan ng higit 200 katao. Dinaluhan ito ng pinagsamang taga suporta ng Marcos-Duterte tandem. Nagbigay parangal ang organisasyon sa mga indibidwal na nagpakita ng kakaibang pagsuporta at dedikasyon sa panahon ng kampanya- kabilang na ang SMNI News Team na nagbabalita sa kanilang mga kaganapan. Nagkantahan, n...